Cheater

0 11
Avatar for Alyeore
3 years ago

So ito nga, this is a true to life story. Hindi ko naranasan pero ako ang nakasaksi.

Last month 'to nangyari.

Birthday ng 7 yrs old kong pinsan, busy lahat, pati na ako. Inutusan akong bumili sa tindahan(ang bahay namin may dalawang gate, isang gate sa harap at gate sa likod.) dun ako sa likod dumaan dahil andoon ang tindahan. Pagkatapos kong bumili pag pasok ko ng gate may nakasalubong akong babae na palabas ng gate namin, kilala ko yun, kaibigan yun ng pinsan kong lalaki na si J(20yrs old). Kinawayan pa ako nung babae nung nagmamadali siyang lumabas, saktong nakasalubong ko si J, nabigla siya sakin.

Ang sabi niya "Aly, wag mo sasabihin kila mama o kay Jena(GF niya). Please."

Nagulat ako sa sinabi niya at nakita ko, so ang ginawa ko sinabi ko sa tita namin. Pa'no, walang may alam na nagpatulog siya ng babae sa kwarto niya, bawal kasi yon. Kahit nga si Jena na girlfriend niya hindi pwede sa kwarto niya.

Sa tita ko lang namin sinabi nung araw na yon, hindi ko sinabi kay Jena.

Lumipas yung isang linggo. Sobrang nakokonsensya ako, dahil si Jena sobrang bait at palagi pang nasa church. Kaya mas lalo akong nakokonsensya.

Lumipas ang isang linggo, naisipan kong sabihin yung totoo kay Jena. Minessage ko siya sa messenger, sinabi ko na wag niyang sasabihin ako ang nagsabi. Kahit na halata namang ako, dahil ako lang naman ang nakakita. Noong araw din na yon, kinompronta niya si J, pero si J itinanggi pa rin kaya nakipaghiwalay si Jena sa kaniya.

Lumipas naman ang tatlong araw mula nung naghiwalay sila, nagpasya sila J at ang aking kapatid na mag inom. Noong matapos na silang mag inom, si J lasing na lasing.

Nagwala si J at sinisisi niya ako sa paghihiwalay nila ni Jena.

Masaya raw ba akong nakasira ako ng relasyon? Buti daw nakakatulog pa ako.

Tama ba na sisihin niya ako? Gayong siya naman ang nagpatulog ng ibang babae sa kwarto niya. Umpisa palang siya na ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila. Mas nakatulog pa nga ako simula nung sinabi ko yun kay Jena.

Sa totoo lang, sinabi ng isa sa mga kamag anak namin na dapat daw kahit niloloko na ay hayaan ko lang.

Kayo ang humusga sa totoong pangyayari na ito. 

Tama ba na hayaan lang kapag nasa ganyang sitwasyon na, kahit kamag anak mo pa?

1
$ 0.00
Avatar for Alyeore
3 years ago

Comments