Sana po may makapansin sobrang bigat na kasi yung problema ko

0 21
Avatar for Aluma
Written by
4 years ago

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, Nakatira ako sa isang bahay kasama yung partner ko hindi ko alam kung saan ako nagkamali binigay ko lahat ng pagmamahal pag aalaga at lahat ng pag iintindi kaso bakit ganun yung sinusukli niya sa akin, I am mentally, emotionally and vervally advious ang sakit pag sinisigawan ako, pag sasalita ka palang sasabihan ka na ng shut up, alam mo yung gusto gustong gusto ko sabihin lahat ng nasa loob ko pero wala akong karapatang magsalita pagnasalita ka stupid ka. Pag sinabi mo kung ano yung nasa loob mo parang ikaw pa yung mali ikaw pa may kasalanan, stupid, idiot at kung ano ano pang masasakit na salita. Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko pakiramdam ko napaka useless ko kasi sa araw araw na ginawa ng Diyos yun ang pinaparamdam sa akin. Kahit mga bagay na wala akong control halimbawa sa hindi pagsasalita ng anak kong 2year old ng maaga sa akin sinisisi, pati baradong inidoro saakin sinisisi at kung ano anong pang bagay na wala naman akong control. Lagi akong tinatakot na iiwanan niya ako anumang oras na gusto niya kung inistress ko siya. Madami daw siyang babaeng pwde ipalit sa akin. Kung maliitin niya ako wagas na parang wala akong ginawang kabutihan sa kanya ang masakit pa pati pamilya ko grabe kung maliitin niya. Kaya ayaw ko magsabi sa kanila or kahit na sino kasi ayaw kong maging masama yung tingin nila sa kanya. Ayaw kong maging nakakahiya sa mga tao. Para sa kanya wala akong ginagawa diba mahirap maging ina at maybahay lola na sa anak kong 2 years old katumbas niya ay apat na bata sa kakulitan, sa mga gawain bahay at pag aasikaso sa kanila diba yun trabaho. Halos wala na akong oras para sa sarili ko. Pati nga paliligo naka bantay ung anak ko. I am experiencing low self-steem, anxiety and drepession now diko mapigilang umiyak. Sabi niya nga sa akin boring at napaka dull ko daw na tao dahil wala na akong ginawa kundi umiyak, yun pag iyak nalang kasi yung nakakatulong sa akin para mailabas ko lahat ng hinanakit at sakit sa dibdib ko. Kahit nga sa harap ng ibang tao kung sigawan ako parang wala akong isip, pinaparamdam niya sa akin na sino lang ako na kung wala siya ano lang ako. Sabi niya pa lagi lalo na pag galit na lumayas nalang kami ng anak ko bahala na ako sa anak ko kainin mo kung gusto mo. Hindi ako pwde lumabas ng bahay pag di ako nagpaalam. Nasaktan niya na din ako, yung anak ko nalng yung nagpapalakas ng loob ko. Pero minsan gustong gusto ko ng sumuko lalo na sa trato niya sa akin para lang akong invisible sa kanya.

2
$ 0.00
Avatar for Aluma
Written by
4 years ago

Comments