Bakit tayo sinasaktan ng taong lubos nating minamahal

1 44
Avatar for Aluma
Written by
4 years ago

Share ko lang po, wala din ako mapag sabihan sa bigat ng dinadala kong sakit. Ayaw kong sabihin sa pamilya at ko kasi ayaw kong husgaan nila ako. May kinakasama ako at isang anak minahal ko siya unconditionally habang tumatagal yung pagsasama namin lately halos araw araw na na masama ang loob ko at umiiyak. I am emotionally, verbal and mentally abvious nasaktan nadin niya ako. Kapag galit siya sinisigaw niya ako, ini under estimate niya yung ako na diko daw kaya ganto ganya, sinasabihan ako na pangit daw ako kaya lang naman daw siya nagkagusto sa akin dahil sa ugali ko the rest wala na daw, wala daw akong buhay kung wala siya, lagi din akong tinarakot na kung ini stress ko siya iiwanan niya daw ako kahit anong oras niya gustuhin, dalhin ko daw yung anak ko bahala na daw ako kung ano gusto kong gawin sa bata kahit kainin ko pa daw, wala daw akong maibibigay na magandang kinabukasan sa bata at baka nga daw diko mapakain, tapos minsan nag away kami sinabi niya na madami daw babae na nagkakagusto sa kanya gusto niya tawagan niya at papuntahin any time daw pag sinabi sa babae na magsama na sila eh pupunta daw ung babae, pinapakita pa niya ung picture at mga text nila pero tinatakpan ko yung mata at tenga ko kasi ayaw kong makita at madinig kasi sobrang sakit sa pakiramdam. Tapos ilang beses na din na umaalis siya pero sobrang nagmamaka awa lang ako at in the end ako yung humihingi ng tawad. Sabi niya pa na sakripisyo daw sa kanya na andito siya kasama namin. Madami pag masasakit na salita na sinasabi niya lagi sa akin, “you are very stupid, idiot, your pool, at kung ano ano pang masasakit na salita. Kung maliitin niya ako at ang pamilya ko wagas. Dati akong office girl kaso nag stop ako mag trabaho kasi walang mag aalaga sa anak ko kaya buong buhay at panahon ko sa kanila ko inalay, Bago ko siya makilala napakabindepent kong tao, saka alam ko na matatag ako. Pero simula nung nakilala ko siya nagbago ang lahat kasi ang daming di pwde ni halos diko nga kilala ang sarili ko, naging sobrang dependent kasi ako sa kanya na sa kanya na umikot ang buhay ko. Dahil sa mga nararanasan ko sa kanya nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko, na kahit gustong gusto ko ng lumayo kasama yung anak ko diko magawa kasi iniisip ko paano kung tama siya na baka diko maibigay yung magandang buhay sa anak ko. Nawalan na din ako ng selfsteam, boring daw ako kasi lagi nalang ako umiiyak masisisi niya ba ako eh sa pag iyak ko nalang binubuhos ang lahat ng sakit at hinanakit ko. Wala naman akong kaibigan kasi di naman ako lumalabas talaga. Wala na akong ibang nararamdaman sa kanya kundi puot, galit at hinanakit ni halos ayaw ko na siyang tignan pinagdadasal ko na nga na mamatay nalang ako para diko na maramdaman lahat ng to. Madalas kahit anong ginagawa ko pag naalala ko lahat ng sakit diko mapigilang umiyak. Masama na kung masama pero hinihiling ko na mawala nalang siya sa mundo para wala ng mananakit sa akin. May mga naging karelasyon ako dati pero diko naranasan sa kanila ang pinaparanas niya sa akin. Siya na nga yung pinaka masamang taong nakilala ko sa buong buhay ko. Iniisip ko magkaroon lang ako ng sarili kong pera iiwanan ko siya. Nakikisama ako kasi kailangan kaya nagtitiis ako kahit pakiramdam ko araw araw unti unti akong namamatay sa sakit.

Please wag niyo po ako husgaan isa lang po akong ina na gusto ko kumpleto at may magisnan ama ang anak ko. Sobrang dami ko na kasing hirap na pinagdaanan kaya ayaw kong maranasan ng anak ko kung ano man yung mga napagdaanan ko sa buhay. Na minsan sa buhay ko dahil sa sobrang hirap ng buhay ng mga panahong high school ako dumating sa point na pati patay kinakaingitan ko na kasi sila wala na silang magiging problema di tulad ko na buhay nga pero walang saya.

2
$ 0.00
Avatar for Aluma
Written by
4 years ago

Comments

Every thing will be fine don't lost hope

$ 0.00
4 years ago