Hello po sa inyo,itong kwento na ito totoo po itong nangyari sa buhay ko,nakatira po kami sa bukid kasama ang kapatid ko at ang mga magulang ko dalawa lang po kaming magkapatid. Linggo po yon punta kami sa simbahan nang kapatid ko para mag simba noon na araw na yon ,hindi pa lang natapos ang misa meron nang tao na nanghahanap sa amin upang sabihin nya sa amin na PAMANGKIN KO WALA NA PO ANG INA NYO!!!sa time na yon d namin alam kung totoo ba ang sinabi nya ,dahil pag alis namin sa bahay ang ina ko buhay ,walang sakit,pag uwi namin sa bahay marami na pong mga tao kamag anak namin ang iba,pagpasok pa lang namin nakita na namin ang ama ko na subrang lungkot,at ang ina ko wala na po,hindi na talaga namin siya maka usap kahit saglit man lang.
Sa panahon na yon ang aral pa kami nang magulang ko sa highschool,first year kaming dalawa,kasi sabay kaming nag aral elementarya hanggang highschool.Ilang buwan ang nakalipas huminto ako sa pag aaral kasi hindi na po kaya nang ama ko na mag aral kaming dalawa,ang kapatid ko na lang ang nagpatuloy sa pag -aaral . nandon na pang ako sa bahay tumulong sa ama ko .naka lipas ang ilang buwan,meron akong natanggap sa mensahe galing sa kamag anak namin na nagtrabaho sa malayo.Binigyan nya ako nang pera pamasahe pa punta sa kanya para magtrabaho bilang KATULONG ,katulong lang ang trabaho ko kasi wala 15 years old pa po ako noon,pag uli nang magulang ko galing sa paaralan hindi siya pumayag na mamasukan po ako sa malayo bilang katulong,pero hindi ako pumayag sa gusto nya,,bukas na bukas limuwas ako dala dala mga damit ko,,first time ko po yon na sumakay nang barko hindi ko alam ano gawin ko subrang kinabahan ako kasi,ang buhay probinsya at buhay lungsod hindi naman pariha.pag alis ko sa bahay namin umiiyak talaga angAMA ko,pero d ko yon pinansin para lang po maka tulong ako sa kanila.
Abangan nyo po ang susunod na kabanata sa kwento nang buhay ko.
Maraming salamat po