Letting Go
She was the girl I always love. Simula nung una hanggang ngayon.
"Sir, magsasara na po kami," I looked up, and it's just the waiter, at hindi yung babaeng kanina ko pa hinihintay.
"Mukhang hindi na po darating yung hinihintay niyo," dagdag nito nang makita ang bulaklak at parisukat na kahon sa mesa.
I did not say a word. Gusto kong magalit, pero bakit pa? Tama naman ang sabi nung waiter, tamang-tama. Ilang oras na ba ako dito? Hindi ko na kayang bilangin pa.
Kape ang unang inorder ko, pero ngayon, magsasara na sila.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayon, lumabas ako ng restaurant and found myself in front of their house.
Parang laro ng tadhanang saktong paglabas ni Steff ng pintuan ng bahay nila.
We made an eye contact.
Lumapit ako sa kanya, I saw the puffiness in her eyes, but I was succumbed by my anger and disappointment.
"Bakit di mo ako sinipot?" That's the first thing that came out my mouth.
"I was..." You have something to say, habang may kung anong kumikislap sa iyong mga mata.
"What? I was there since 8 in the morning, do you know what time it is now?" I asked, "Pinagmukha mo akong tanga."
Itinikom niya ang kanyang bibig, and just muttered a "sorry".
" Ayaw mo na ba sa relasyon na ito ha?" I was really frustrated. I was supposed to propose to her.
"Napapagod ka na ba? Sawa ka na ba? These past few days, wala kang pakealam, ni hindi ka nagpapakita sa kin."
"Puro ka excuses kung bakit ayaw mo makipagkita."
"At puro 'sorry' na lang, wala na bang iba? Ano? Anong set up ito, Steff?"
"Lance..."
"Mahal mo pa ba ako?" I asked. At last, I asked that question. Ang tagal ko nang gustong itanong sa kanya yun.
Ang tagal niyang sumagot, and she nodded.
"Sinungaling..." I said. Iyon ang sinasabi ng mga mata niyang hindi makatingin sa akin. She's lying.
"Bakit naging ganito? Shit, I have always love you, minahal kita, lahat naman ginawa ko ah, bakit ngayon nagsisinungaling ka na lang?"
Umiyak lang siya at di sya nagsasalita.
"Mahal na mahal kita, alam mo ba yun?" My tears started to fall, "Tangina, yayayain na nga kitang magpakasal oh" Pinakita ko sa kanya yung kahon ..
"Hindi naman sa ayaw ko na e, mahal naman kita e." She said.
"Pero ano? Hirap ka na? Pahirap na lang ako sayo?"
"Pansin ko naman yun e... Hindi ka na masaya, at ayaw mo na akong kasama."
She's crying.
"Kung ayaw mo na, papalayain naman kita, kung iyon yung ikasasaya mo" My voice cracked.
Shit! Saying that breaks my heart into pieces...
"Let's end this ..." I said. "Pi...pinapalaya na kita".
Hindi ako pumapasok o lumalabas man lang ng bahay. Ni maglinis ng sarili ay di ko na magawa. Nakakulong lang ako sa kwarto. Ilang araw na ba ang lumipas since that day.
Her sister Eve, texted me that I'm an asshole to leave Steff, e ano ba ang gusto nila? Akala naman nila ginusto ko yun.
" Mahal na mahal ka ng ate ko, tapos iiwan mo lang siya."
Yeah right. Mahal pa nga ba?
Ano bang pagkukulang ko? Bakit ganito? Hinagis ko yung bote ng beer sa pader.
I shouted, wala akong pakealam kung magdemanda pa ang mga kapitbahay ko.
Ngayon pa lang miss na miss ko na siya, sobrang miss ko na siya.
Gusto ko na siyang makita at hawakan.
Gusto ko siyang yakapin at halikan.
Pero paano ko pa magagawa yun e ako naman ang tumapos nito.
Di naman ako manhid, nagpakatanga lang ako.
Inisip ko na kaya pa, na pwede pa, pero parang pilit na lang lahat.
My phone rings.
My Steff calling ...
Para akong batang sasakay palang ng Ferris wheel sa saya ng mabasa ko yun.
She's calling me.
"Hello?"
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig, agad akong lumabas ng bahay at tinungo ang bahay nila.
"Steff! Steff!" I shouted.
Agad akong lumapit sa pinto ng kwarto niya. Kinatok ko ng kinatok iyon.
"Shit ..." My tears started to fall, "Baby, you don't have to do this"
"I'm here baby ... Mahal na mahal kita, ayoko lang na napapagod ka, kasi kahit di mo naman sabihin, ramdam ko na nawawala na lahat. Nasasaktan ka, nahihirapan ka... I feel like I just giving you a hard time"
"So please open the door." Napaluhod na ako sa hamabahan ng pinto. "Please, open the door."
I was shocked to hear na kagabi pa raw nagkukulong ng kwarto si Steff. It was her sister who called me ..
"Kung ano yung desisyon mo, gagawin ko yun, mahal na mahal kita. Kung ayaw mo na, okay lang, kung gusto mo pa, okay na okay baby ... You don't have to be like this."
"Nakita ko na yung susi," it was her father, I stepped away from the door and they opened it.
Agad kaming pumasok sa loob.
Napasigaw ako sa nakita.
My Steff ...
She was ...
She was lying on the ground, with some medicines in her mouth, lifeless ...
Napaluhod ako sa tabi nya..
There was a letter beside her.
"Dear Lance,
I'm sorry if you thought that I'm just making excuses to not see you or to not be with you. Ayoko lang madamay ka sa problema ko. Hindi ko rin alam ang problema ko, pakiramdam ko lagi akong mag-isa, lagi akong malungkot pero di ko naman alam ang dahilan.Nahihirapan na akong unawain ang sarili ko. Maging ang mga pamilya ko, napapagod na sa akin. Ayoko lang na pati ikaw ay mapagod."
"Tandaan mo lagi na mahal kita, hindi yun naging kasinungalingan kahit kailan, pagod na pagod na ako sa mundo, ihingi mo rin ako ng tawad sa mga magulang at pamilya ko. Mahal ko kayo... Paalam."
---
It's been a year, and until now sya pa rin. At siguro siya lang talaga.
She became a lesson for me.
She was diagnosed of having a depression and as her partner, hindi ko man lang napansin yun. Naging gago ako at pinagsumbatan ko pa sya. Then... I left her when she needs me the most
Steff, wherever you are, I am sorry and I love you so much.
-end-
-----
Original work of Allyssa Jewels.
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading.
Disclaimer:
This story has no intention of promoting suicide attempts. God is always with us. ^^