Painted walls always amaze me. Sa tuwing napapadaan ako sa graffiti two blocks away from my house, di ko mapigilang hindi mapatingin rito.
It is a painting of an old woman holding a wooden guitar. Kakaiba ang dating sa akin ng larawang iyon. It speaks a thousand of emotions, kaya naman labis ang inis ko nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng painting; may hawak siyang spray paint at nakatitig sa pader.
"Hoy!"
Lumingon naman ito agad sa akin at tinaasan ako ng kilay.
May kahabaan ang buhok niyang natural brown ang kulay, bilugan ang mga mata, at makakapal ang kilay, manipis ang mga labi nito na di naman gaanong kapulahan.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.
"Ano naman sa'yo iyon Miss?" Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya, bumuka lang ang bibig nito at nagsalita.
Hindi blangko ang ekspresyon ng mukha niya, ngunit hindi rin iyon gano'n ka-expressive.
"Sisirain mo ba iyang graffiti? Magba-vandal ka ba dyan?" Muli kong tanong.
Humarap siya sa akin na nakakunot na ang mga kilay, "Ano naman sa'yo nga? Bakit ikaw ba ang gumawa ng painting na ito?"
"Hindi! Pero ako ang number one fan ng painting na 'yan!" Alam ko, medyo may katangahan 'yong sinabi ko, kaya lalong nagsalubong ang mga kilay niya sabay wika ng "What?"
"Araw-araw kong binibisita ang graffiti na iyan. Ang sarap tingnan dahil may iba't ibang emosyon akong nakikita. Kaya wala kang karapatan na mag-vandal dito." Pagpapaliwanag ko.
"Wala akong pake kung gusto mo ang painting na ito basta buburahin ko ito." Humarap na siya sa painting at akma niyang nang ii-spray ang pintura dito.
"Huwag nga sabi!" Awat ko. Inagaw ko ang spray paint dahilan para ma-spray ito sa aspaltong sahig.
"Ano bang problema mo babae?" Mataas ang timbre ng boses niyang tanong.
"Ang kulit mo kasi e." Sabi ko.
"Ako pa ang makulit?" Tiningnan niya ako like he's done talking with me at gusto niya na akong sapakin.
"'Wag mo nga kasing sirain e. 'Di ka ba nagagandahan sa painting?"
Makulit na kung makulit pero sayang talaga ang larawan kapag sinira lang.
"Look here," he said. "Ako ang gumawa ng painting na iyan kaya gagawin ko ang gusto ko diyan. Naiintindihan mo iyon?"
Nagulat ako sa nalaman. Siya pala ang pintor ng graffiti.
"Kung ikaw ang painter nito, e bakit mo sisirain?" Tanong ko.
"Wala ka ngang pakealam." This time he used a cold tone.
Hindi na ako nagsalita. Nagdiretso na lang ako ng daan pauwi sa bahay.
"AKALA ko ba buburahin mo ang painting?"
Six o'clock in the morning kanina, lumabas ako ng bahay para bumili ng almusal, nang mapadaan ako sa pader, naroroon pa rin ang painting.
"Ginagawa mo rito?" Tanong niya.
"Bumili lang ako ng ulam para sa tanghalian. Ikaw?" Tanong ko.
"Nothing."
Umupo ako sa tabi niya.
"Akala ko ba sisirain mo na ito?" Tanong ko.
"I just simply couldn't." He said, "This painting is special to me. Ginawa ko ito para sa isang matandang babae. She's a stranger pero napakabait niya. As someone na nagrerecover because of an accident, i was aloof and hopeless, but because of her songs and singing, unti-unti natuto akong maniwala na makakalakad ako."
"Five years ago, nadischarged ako sa hospital. And still, naroon pa rin siya. She just told me that she'll be fine, and soon makakalabas din siya." He smiled bitterly.
"That was the last time I saw her. Hindi na ako pinapagayan nina Dad na pumunta ng hospital na iyon. I continued my studies, and after my graduation last year, I painted this for her."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. His voice has many emotions.
"Then yesterday, I was really hoping na makikita ko siya at makapagpapasalamat sa kanya, dahil siya ang nagpa-realize sa akin na habang buhay may pag-asa, but then ..." He sighed.
"She's dead."
His voice cracked, "She's already dead. She died three months after I got out of the hospital. And I did not even know."
"Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya."
Hinagod ko siya sa balikat.
"Dahil do'n ginusto mong burahin itong painting?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Bakit mo naman ito buburahin? It was your way of thanking her. Kung akala mo di ka pa nakakapagpasalamat sa kanya, you already did and I know she knows how you feel." I said.
He looked at me, "you think so?"
Ngumiti ako at tumango.
"Ang dapat gawin mo rito ay alagaan, huwag hayaang vandal-an ng kung sino, at i-preserve." Sabi ko sa kanya.
Tumayo siya at inayos ang sarili.
"What's your name?"
Oo nga 'no. Hindi pa pala kami magkakilala.
"Charity."
He smiled, "Mine is Michael."
"ANONG nginingiti-ngiti mo dyan?"
Napatingin ako kay Michael na puno na ng pintura ang mukha at damit.
"Wala, may naalala lang ako."
"Tulungan mo kaya ako. Ang hirap magpinta ng wedding picture." Reklamo niya.
"Edi 'wag mong gawin. Di ka naman pinipilit e." Sabi ko.
"May sinabi ba akong ayaw ko? Paabot nung Flat brush" Inabot ko naman ito sa kanya.
I smiled. Iniwan ko muna siya sa kwarto namin. Gagawan ko muna siya ng makakain.
It's been three years since we've met, and now kasal na kaming dalawa.
I was so happy to be with him.
Tama nga sila. Art is really magical. Dahil art ang nagtulak sa amin para magkakilala, magka-ibigan, at ngayon ay magsama.
And this marriage is a masterpiece made by God.
- W A K A S -
------
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!