CoVid-19

0 13
Avatar for AllyWrites
4 years ago

TITLE: CoVid-19

Disclaimer: This story does not have any objective to offend anyone; for entertainment purpose only.

---

"Oy, Mico."

Nakatutok pa rin ako sa pagprotekta sa tore ng aking grupo.

"OY, MICO!"

"You have been slain."

Ay! Putek!

"Ano ba yun, Nik?" Asar na baling ko sa aking kamag-aral na si Nik.

Alam kong naka-kunot ang kilay ko ngayon. Nawala kasi na parang bula yung goal kong 21kills, 0 deaths, at 17 assist.

"Tawag ka kasi ni Ma'am." Tatawa-tawa nitong sabi.

"ML pa." Bulungan ng mga kaklase ko.

Napatingin ako kay Ma'am Avid na siya rin namang nakatitig sa akin na walang emosyon ang mukha.

"Ma'am," kabadong sambit ko at napatayo na rin.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin na parang nasa fashion show.

Inilahad niya ang kanyang kamay nang marating nya ang aking kinauupuan.

Napatingin ako sa kamay niyang may mga daliring mala-kandila, at sa kanyang maamong mukha na may pantay na pantay na kilay. Ilang beses pang nagpalipat-lipat ang aking mga mata sa kanyang kamay at mukha, bago ako nakapagtanong.

"Ano 'yon Ma'am?"

Umirap ito, at muling inilahad ang kamay.

"Ano nga yun Ma'am." ulit ko ring tanong.

Bumuntung-hininga pa ito, at muling inilahad ang kanyang kamay.

"Ano nga po yun?" tanong ko.

"Cellphone mo raw." Sabi nung isa kong kaklase na Kiko yata ang pangalan sa umaga, Kikay naman sa gabi.

"Ah, cellphone pala." Naisambit ko, "si Ma'am kasi pwede naman sabihin." Pipi ka ba Ma'am?

Inabot ko ang cellphone ko sa kamay niya, ibinulsa niya naman ito.

"Get it in my office later after school." Sabi ni Ma'am.

Hindi na siya pipi. Congrats, Ma'am.

Umupo na akong muli.

Hay naku, AFK na ako nito, marereport pa ako ng kakampi.

Nag-lecture naman si Ma'am tungkol sa thesis at kinumusta yung thesis ng bawat grupo.

"Ma'am si Xiara, tatanggalin na namin." Wika nung kaklase kong si Matt.

"Why?" Tanong naman ni Ma'am Avid.

"Puro kasi Tiktok ang inaatupag, hindi naman tumutulong sa thesis. Tas puro jowa lang nasa isip."

"Thesis muna kasi."

"Hayok sa TT, sis?"

"Thesis muna bago TT."

"Sana ol may jowa."

Kanya-kanyang komento naman yung iba naming kaklase. At si Xiara, wala dito. Absent.

"Don't be like that, class." Sabi ni Ma'am Avid at ngumiti. "Try to talk to her first, hindi yung ginaganyan niyo yung classmate niyo na absent naman."

"Oy Mico, natulala ka na d'yan." Sabi ni Nik, "Huwag kang mag-alala makukuha mo rin yung cellphone mo."

Napailing na lang ako, hindi naman ang cellphone ko ang iniisip ko e, kundi si Ma'am. Para kasi siyang anghel sa langit kapag nakangiti at nangangaral.

Ang ganda niya.

---

UWIAN...

Kumatok ako sa pinto ng room ni Ma'am Avid. Siya rin kasi ang Guidance Counselor ng school namin, kaya may sarili siyang opisina.

"Pasok."

Nang akin iyong marinig ay saka pa lamang ako pumasok sa loob.

Ang bango ng opisina ni Ma'am. Amoy na amoy dito ang pabangong gamit niya.

"Hi Ma'am." Bati ko muna.

"Umupo ka." Sabay turo sa bakanteng upuan sa tapat ng kanyang mesa.

Umupo naman ako.

"Mico, alam mo naman ang patakaran diba?" Panimula ni Ma'am Avid.

Tumango naman ako.

"E bakit ka pa rin gumagamit ng cellphone during class hours?"

"E Ma'am, akala ko po kasi break pa namin, bakit po kasi kayo late?"

"Kinausap kasi ako ng principal kanina." Paliwanag naman niya, "Teka nga, ikaw ang tinatanong ko."

"Ay, ako pala, sorry." Napapakamot na sabi ko. Ang ganda kasi ni Ma'am e.

"By the way," sabi niyang muli, "since first offense mo palang naman ito, papatawarin kita. At ibabalik ko ang cellphone mo. Pero sa susunod na makuhaan kita ng phone, makukuha mo ang phone mo sa April na with your parents."

"Yes, Ma'am."

Binigay niya na sa akin ang phone ko.

"Thank you Ma'am."

---

SA BAHAY...

AGAD kong binuksan ang phone ko pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto.

Gaya ng dati, walang password dahil makakalimutin ako at original wallpaper lang ang gamit ko dahil ayokong mawalan ng space para sa ML.

Hinanap ko agad ang ML, pero wala! Hindi ko makita! Nasaan? Binura kaya ni Ma'am?

Anak ng Paniki oh!

Dali-dali akong nagdial ng number at narealize na ibang font ang nasa phone ko, pambabae ang font, hindi gaya ng sa akin.

"Hindi akin ito! Puta, kanino ito?" Di-nial ko yung number ko at tinawagan.

Ilang rings lang at may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello.."

Ugh! Si Ma'am Avid.

"Hi Ma'am, si Mico ito."

"Oh Mico, napatawag ka. Teka. Teka. Paano mo nalaman ang number ko?"

"Ma'am, number ko po yung tinawagan ko."

"Huh?"

"Ibang phone po yung binigay niyo sa kin."

Ilang segundong nawalan ng imik ang kabilang linya...

"Oo nga! Cellphone ko yan. Hala! Sorry. Pareho kasi tayo ng phone."

"Okay lang Ma'am, balik ko na lang po bukas."

"Hala! Ngayon na. Kukunin ko na lang sa inyo. Tutal may address mo naman ako."

Nay, si Ma'am may tinatago.

"Nakakahiya naman Ma'am."

"Okay lang, phone ko naman yung kukunin ko."

---

Habang hinihintay kong dumating si Ma'am. Kinalikot ko yung phone niya, pumunta ako sa gallery niya. Ang daming pics ni Ma'am na naka-two-piece, may mga pics pa siyang no-bra pero nakatalikod. Pa-sexy naman si Ma'am Avid.

Junjun, kalma!

Kinalikot ko pa yung phone niya, at wala man lang siyang katext na lalaki.

Single si Ma'am.

Crush ko naman talaga si Ma'am dati pa. Kaso teacher sya .. Isang taon lang tanda niya sa akin. First year niya pa lang kasi sa pagtuturo, fresh graduate siya.

Kung di lang teacher si Ma'am Avid, niligawan ko na siya.

May narinig akong katok kaya agad naman akong lumabas ng kwarto at binuksan ang pinto.

"Ma'am."

"Hello."

"Ito po." Iniabot ko na yung cellphone niya.

"Thank you, ito rin yung phone mo."

Tinanggap ko iyon.

Di naman nagtagal si Ma'am at umalis na rin.

---

February 19, 20**

Ilang araw ang lumipas ..

Break namin at masaya akong kumakain ng Lemon's square cheesecake, nang sabihin ng president namin na pinapatawag ako sa Dean's Office.

Kinabahan ako, graduating pa naman ako baka bumalik ako sa Grade 12.

Pagdating ko roon ay naroon si Kikay este Kiko pala dahil umaga, at si Ma'am Avid.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa," panimula ni Dean Gue, "May nakapagbalita sa amin na may relasyom daw kayo Mico Ropono, at Ma'am Avid David. Iyon ba ay totoo?"

"Hindi po."

"Hindi po."

"Opo."

Napatingin ako kay Kiko na mukhang paniki. Saan nito nakuha ang Oo niya.

"Hindi po Sir." Sabay na sabi namin ni Ma'am.

"Ngunit may nakakita na nagpunta ka raw Ms. Avid David sa bahay nina Mico nang disi-oras na ng gabi."

"Oo nga.." Gatong naman ni Kiko. Masasakal ko na ito. Epal amp.

"Totoo 'yon Sir. Pero dahil yun sa nagkapalit kami ng phone ni Ma'am nung kinumpiska niya po yung phone ko at binalik sa akin matapos akong pangaralan. Nagkataon po na pareho kami ng phone, kaya kinailangan niyang kunin iyon sa 'min at baka may importante siyang gagawin sa phone niya Sir." Mahaba kong paliwanag.

"Pwede naman ipagpabukas na lang yung palitan niyo." Gatong na naman ni Kiko.

"E importante nga diba?" Sabi ko.

Hindi naman umiimik si Ma'am Avid. Naaawa ako sa kanya, wala naman talagang kahit ano sa amin, pinigilan ko nga ang sarili kong itext sya kahit may number niya na ako.

Ilang diskusyunan pa ang nangyari bago napagdesisyunan ng Dean na hindi kapani-paniwala ang alibi namin.. At tatanggalin si Ma'am sa school. Bukod pa ro'n ay makakarating daw sa DepEd at baka matanggalan si Ma'am ng lisensya.

"Teka lang Sir."

Wala na... Final na raw ang desisyon.

---

Pag-uwi ko sa bahay ay di ko alam ang gagawin ko. Puno ng galit ang puso ko, gusto ko si Ma'am Avid, at hindi niya ito deserve dahil wala siyang ginagawang masama.

Pababa ako ng hagdan nang mag-pop ang GC namin.

"Uy nabalitaan niyo ba?"

"Ang alin?"

"Si Ma'am Avid."

"Oh?"

"Nagpakamatay daw si Ma'am."

"Weh? Di nga"

"Hala grabe"

"Bakit daw?"

"Mahal na mahal niya raw ang pagtuturo tas gano'n ang mangyayari."

"Saan mo naman nakuha yan?" Chat ko.

"Kapitbahay ko si Ma'am,naki-usyoso ako kanina."

"Rest in peace Ma'am."

"R.I.P"

HINDI ko kinakaya ang mga nabasa ko, hindi ko namalayan na hindi pala tama ang pagkakatapak ko sa ikalawang baitang ng hagdan, dahilan para malaglag ako sa hagdan at gumulong-gulong.

Naramdaman kong tumama ang ulo ko sa paanan ng mesa sa aming sala, at saka ako nawalan ng malay.

--

THIRD PERSON'S POV

NAGING laman ng balita ang nangyari sa dalawang ito na si Mico at Avid.

Dahilan para tawagin itong CoVid-19, dahil sa Ika-19 ng Pebrero nangyari ang insidenteng iyon.

Halos Isang buwan ang lumipas at may kumalat na Virus sa buong mundo na ang pangalan ay CoVid-19 din.

Sinasabing ito raw ang poot nina Mico at Avid dahil sa hindi pakikinig ng mga tao sa kanila.

Kaya sa mga taong ayaw magkaroon ng CoVid-19, makinig kayong maigi lalo na sa gobyerno.

-END-

1
$ 0.00
Avatar for AllyWrites
4 years ago

Comments