Ang mga Gintong Karanasan na hindi malilimutan
Madami ang napasok na ala-ala sa akin ngayon, mga ala-alang hindi ko malilimutan noong ako’y nasa labing-isang baitang. Sa pagtungtong ko ng mga paa ko sa paaralan na ito, kaba ang naramdaman ko at takot ang pumasok sa isip ko. Habang umaakyat ang mga paa kosa bawat hagdan maraming tumatakbo sa aking utak. Tila ba noon ang puso ko’y sasabog sa sobrang bilis ng tibok. Sa paghawak ko sa hawakan ng pinto, naisip ko na maaaring hindi nila ako magustuhan dahil sa aking kaugalian. Sa pag upo ko sa aking upuan biglang bumagal ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Natameme ako sa mga kaklase ko kasi parang halos lahat sila ay magkakakilala pero ako konti pa lang ang kilala ko sa aming silid aralan. May pumasok na isang lalaki na kung saan siya ay nagpakilala at ang gurong ito ang magiging tagapayo namin sa silid aralan. Namangha ako sa kanyang estilo ng pananalita dahil sa kanyang mabulaklak at maenganyong mukha. At dahil doon biglang mas bumagal pa ang tibok ng aking puso.
Dito nagsimula ang aking paglalakbay sa paaralan na ito. Ang unang pinagawa ng aming guro sa asignaturang pilosopiya ay ang paggawa ng doodle na kung saan nagpapakita ng personalidad o ugali ng bawat isa. Sa aking paggagawa inilabas ko ang aking tunay na personalidad sa doodle na ito. Natutunan ko na ang lahat ng mga tao ay may iba’t-ibang personalidad sa buhay. At nalaman ko rin na ang bawat isa ay may iba’t-ibang paniniwala sa buhay. Hindi lang ito ipinagawa upang ang mga estudyante ay magkaroon ng grado bagkus upang matuto kaming kilalanin ang personalidad ng bawat isa. Sa pagsulyap ko ng mga gawa ng aking kaklase. Nakita ko ang pagkakaiba-iba ng bawat isa. Hinding-hindi ko malilimutan ang aktibidad na ito at lalong-lalo na ang guro na nagpagawa nito. Ito ang isa sa mga ala-ala na hindi ko malilimutan.
Lumipas ang mga araw na ako’y nakakaramdam ng tubig na tumutulo sa aking noon a kung saan naramdaman ko uli ang hirap ng isang pagiging mag-aaral. Ang isa sa mga karanasan na hindi ko mawawaglit sa aking isip ay ang noong Buwan ng Nutrisyon na kung saan ipinagdiriwang ang kahalagahan ng pagkain sa tama ng mga mag-aaral at mga Pilipino. Natandaan ko at nahulwat sa aking isipan na isa ako sa mga nagging panglaban noong Buwan ng Nutrisyon sa aming paaralan. Hinding-hindi ko ito malilimutan dahil marami akong natutunan. Katulad na lamang ng kahalagahan ng nutrisyon sa ating katawan. Sa araw na iyon nalaman ko ang tunay na kahalagahan ng pagkain ng tama at pageehersisyo. Natutunan ko rin na makipag usap sa mga kaklase ko dahil sumali ako noon sa Nutri-Jingle ng aming paaralan. Nakuha ng grupo ko ng baiting labing isa ang pangalawa na pwesto. Naiisip ko noon na ang pakikipagkapwa ang isa rin sa mga aspeto na kailangan upang maging malusog na tao. Ang pagiging malusog ay kailangan upang magkaroon ng mahabang buhay.
Sa pagmulat ng mga mata ko, naala-la ko rin na ang buhay estudyante ay hindi madaling takbuhin. Dahil bilang isang Senior high school ay mahirap kasi naranasan ko ang paggawa ng tesis. Ang tesis ang isa sa mga bagay na hinding-hindi ko malilimutan noong ako’y nasa baiting labing-isa. Marami ang nagsasabi sa mga kaklase ko na ito ay sobrang hirap at hindi madaling gawain. Noong ako’y nag umpisa gumawa ng pamagat ng tesis ako ay nahirapan. Hindi talaga mawawaglit ang mga ala-alang noong ako’y nahihirapan sa pagaggawa nito. At para sa kin ang tesis na ito ay isa sa mga hamon o pagsubok ko sa baiting labing-isa. Natatandaan ko pa noon na hindi ko masaliksik ang maga literature n gaming tesis. Ang literature ang isa sa mga mahirap na parte ng tesis. Hindi talaga mawawaglit sa aking isipan na ako ay nagkaroon ng tampo sa aking guro dahil sa sobrang hirap. Pero pinatawad agad ako n gaming guro sa pananaliksik. Isa ito sa mga ala-ala o karanasan na di ko malilimutan sa aking nakaraang taon sa baiting labing-isa.
Sinaliksik ko uli ang mga karanasan ko noong ako’y baiting labing-isa. Natandaan ko noong Festival of Talents ang hirap ng aking pinagdaanan. Halos ang aking mga luha’t pawis ay pumapatak. Base sa aking naranasan ditto ko naramdaman ang hirap ng pagiging mag-aaral. Ang Festival of Talents ang isa sa mga programa sa paaralan na king pinapasukan. Naranasan ko kung paano magsayaw ng mga katutubong sayaw. Natutunan ko rin na sa pagsasayaw ay kailangan na may disiplina. Sa bawat araw ng pag eensayo ay natuto rin akong sumayaw ng katutbong sayaw. Ito rin ang isa sa mga karanasan ko na hindi ko malilimutan. Dahil sa programang ito ay naipakita namin ang mga talent sa mga manonood.
Nahalungkat ko rin sa aking isip, ang isa sa mga karanasan na hinding-hindi ko malilimutan ito ay ang M.S.U.S Play. Ang M.S.U.S Play ang isa sa mga programa na hindi ko malilimutan dahil naging isa akong narrator sa aming ginawang dula. Natutunan ko kung ano ba talaga ang tunay na isang dula. Ang dula na kung saan tay tungkol sa dalawang mag-aaral na nagkaroon ng pagtitinginan na nauwi sa pagmamahalan. Habang ako’y nagsasalita at sinasambit ang aking linya bilang narrator ay nakaramdam ako ng kaba dahil ito ang isa sa dula na ako’y naging isang narrator. Masaya ako dahil naging matagumpay ang aming M.S.U.S Play. Marami akong natutunan ng pumasok ako sa paaralan na ito.
Dito ko naranasan ang pagiging isang tunay na mag-aaral. Sa paglapat ng aking mga paa sa labas ng paaralan na ito ay hindi ko malilimutan ang mga aral at karanasan na aking naranasan. Sa pagpasok ko ng kolehiyo ay baon-baon ko ang mga aral na kung saan nagbago ng personalidad at ugali ko bilang isang tao. Ang mga aral na ito ay mananatili sa isip at puso ko panghabang-buhay.
Maraming salamat sa pagbabasa!