Life is short

2 17
Avatar for Alexis12
3 years ago

Good afternoon

How are you?

Today this is my first time to share with you a short story that I made in my mind.

I hope you liked it..

---------------------------

Kamusta? Ako pala si Hannah.

29 years old. Gusto ko ikwento sa inyo ang mga nangyari sa buhay ko na hindi kapanipaniwala.

SISIMULAN KO ITO NOONG PAPUNTA AKO SA HOSPITAL...

"BEEEPP!!!!" ang tunog na nanggaling sa mga jeep sa kalsada..

"Manong, dahan dahan naman po baka mabangga tayo! Ako yung kinakabahan sa iyo ! " sinasabi ko ito kay manong habang nag mamakeup sa kotse...

"Sorry po mam, babago lang po kase ako" sabi ni manong habang nakangiti..

"Saan ba tayo pupunta? " ani ni manong.

"Sa hospital po.. Malapit po dun sa kabilang kanto" sabi ko sa kanya...

" Ok po mam, " sagot ni manong.

Nagtanong si manong sa akin about bakit daw ako pupunta sa hospital..

Eh ito sa sobrang bait ko... Sinabi ko sa kanya..

Kinuwento ko din sa kanya yung mga nangyari kung bakit ako pupuntang hospital..

Ang sarap ng kwentuhan namin ni manong para bang nakilala ko na siya matagal na..

Parang may koneksyon kami sa isa't isa.. haha ang kadiri ko..

Pero iba talaga yung nararamdaman ko nun feeling ko. Kamag anak ko siya or nakilala ko na yung boses niya.

Kinakausap ko kasi si manong habang nagmamake up ako sa kotse.

"Manong diyan na lang po sa tabi! Salamat po sa kwentuhan !" sinasabi ko yun habang daling dali ko tinatago yung mga make ups ko..

Then.....

"Miss sandali!" sigaw ni manong na tila ay may lungkot sa mga mata nito..

May binigay si manong na sulat hindi ko alam bakit niya ako binigyan nito.. Pero tinanggap ko naman..

"KRING!!!!" biglang tumunog yung phone ko..

"HELLO, HANNAH BILISAN MO NAG AAGAW BUHAY NA YUNG PAPA MO DITO!" nung narinig ko yung sigaw ni mama nanginig ang buong katawan ko..

Dali dali akong pumunta kay papa..

"Papa! Papa! Gising !!!!" sigaw ako ng sigaw habang hawak ko yung mga kamay ni papa na nag aagaw buhay...

Habang nirerevive si Papa iyak ako ng iyak.

Namatay na nga si papa.... Nakakalungkot lang kasi hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya..

As weeks passed by nalibing na namin nun si papa.

Nakalimutan ko yung letter na binigay ni manong sakin..

When I opened and read the letter...

My heart suddenly stops....

Nakalagay yung pangalan ko at sulat ni papa yung nakita ko..

Iyak ako ng iyak kasi kaya pala kaboses ni papa yung driver kasi hindi ko alam nagpapaalam na siya sa akin...

Si Papa at yung driver ay iisa..

Hirap paniwalaan pero totoo ....

Hindi ako naniniwala ng una pero nakita ko yung picture namin doon sa sulat nakadikit sa likod.. Nakanote.

"My only and beautiful daughter, Hannah"

Nakakaiyak ang mga pangyayari para sa akin pero pinili ko na lang na hindi sabihin kay mama kasi baka ma heart attack siya...

Hinding hindi ko malilimutan si Papa at araw araw nakatago na sa wallet ko yung sulat niya..

Feeling ko kasi kasama ko siya lagi kapag nasa akin yung sulat...

Ikaw ano ang hindi kapani paniwalang istorya mo sa buhay?

----------Ang Pagtatapos-------------

4
$ 0.49
$ 0.49 from @TheRandomRewarder
Avatar for Alexis12
3 years ago

Comments

Hmm life is short and we all should learn to live this short life with lots of happiness and peacefulness. Unfortunately I don't understand this writing but sorry that I leave my comment hehehe.

$ 0.00
3 years ago

its tagalog dear😇💖💖thanks dear

$ 0.00
3 years ago