Itim na Usok

0 4
Avatar for Alesana
2 years ago

Nitong Buwan lamang ng Mangyari ito.Na lubha kaming nabahala.

Nagtatrabaho kase ang aking 2 kapatid at ang aming ama sa Subic bilang Electrician.Isang kontrata na mula sa boss ng Kapatid ko.

Ang lugar na ito na kanilang pag tatrabahuhan ay isang Dating Ospital na pag mamay ari ng isang Amerikano na si George Dewey.Ang Medical and wellness Center sa Subic Bay Olongapo City Zambales.

Ayon sa Kapatid ko ito daw ay binili na ng Gobyerno at gagawin Quarantine Facilities para sa mga OFW na uuwi dito sa ating bansa.Kaya ipinapaayos para muling magamit.

Last week ng January taong ito ng Simulang magtrabaho ang aking mga kapatid at tatay doon.Stay in sila kaya bitbit nila lahat ng gamit at mga pagkain dahil malayo ito sa bayan.

Napaka creepy daw talagah ng lugar at talagang may nararamdaman silang kakaiba hindi lang guni-guni oh imahinasyon na maituturing na pinapatunayan ng Guardiya na nagbabantay sa building na ito.Sabi niya lahat daw ng nagtrabaho sa building na ito ay hindi tumatagal dahil nga sa mga nakakapanindig balahibong karanasan nila.Kayat hindi matapos-tapos ang pagagawa dito.

Pero sadyang malakas ang loob ng mga kapatid ko at ng tatay ko kaya binalewala lang nila ang mga pagpaparamdam na ginagawa sa kanila ng mga kaluluwang hindi matahimik sa lugar na yon.

Minsan may naririnig silang sumisitsit oh kumakalabog na pinto sa isang kwartong wala namn tao.Dahil 3 lamang naman silang tao sa laki ng building na yun at mahigpitangSecurity kaya walang ibang makakapasok na outsider doon at Lingguhan din kase umuwi ng Pampanga ang mga kasamahan nila.

Ngunit nito lamang nakaraang February26 ay talagang nabahala ang bawat isa sa amin dahil sa isang pangyayari.Nakatanggap ako ng chat mula sa aking kapatid na sinasabing ipatingin ko daw ang aming tatay sa albularyo.

Nakita daw ng Helper na kasamahaan nila na ang Tatay namin na napalilibutan ng itim na usok habang nagtatrabaho.Sabi ng Helper na may thirdeye isang masamang pangitain daw ito na pwedeng mangyari sa isang tao.Kaya lubha kaming nababahala talaga para sa aming ama.

Tinawagan ko agad ang aming kakilalang Albularyo na si lola jasmin at sinabi nga niy na masamang pangitain nga daw iyon maaring maaksidente ang aming ama oh kaya magkaroon ng malubhang sakit na hahantong sa kamatayan.

Kayat humingi kami ng tulong upang hindi maganap ang masamang pangitain na yun dahil mahal namin ang aming ama.Nirekomenda ng manggamot na kailangan makauwi ang aming ama sa lalong madaling panahon upang harapan na matawas at magawa ang nararapat na solusyon para mapigilan ang isang masamang pangyayari.

TO BE CONTINUED....

1
$ 0.00
Avatar for Alesana
2 years ago

Comments