Joy ride in Manila
📌 FORT SANTIAGO
📍Intramuros Manila, Philippines
⌚8:00AM - 5:00PM
✔️ Kung dati sa libro mo lang nakikita eto na yung chance mo Makita sa personal
✔️ Dadalhin ka muli sa nakaraan
✔️ Marami kang matutununan
✔️ Makikita mo din yung Museo ni Rizal sa loob
✔️ Best time to visit morning at pa sunset
✔️ Very Instagrammable every corner pang profile pic ang mga datingan.
How to get there?
From LRT Central station, Lakad nalang kayo pa Intramuros.
Pwede ka na din mag side trip dito:
✔️Manila Cathedral
✔️Fort Santiago
✔️Rizal Park
✔️National Museum
Napakaraming magagandang tanawin sa lugar na ito maaari ka din maglibot libot dito upang makakita ng mga makasaysayan na mga bagay at istaktura. Halos lahat kame noon palaging pumupunta dito lalo na nung high school days palang ako araw araw kame dumadaan sa lugar na ito kase bukod sa tahimik payapa makikita mo yung mga bagay na sina unang panahon pa talaga ginawa at kahit ilang digmaan na ang dumaan mananatiling matatag at maganda.
Lalo na kapag nakita mo ito sa pinakabandang gitna sa intramuros mapapamangha ka talaga ng sobra sobra dahil kahit may kalumaan na ngunit nananatili ang kanyang kagandahan tuwing tinitignan ko ito marami akong bagay na naiisip kagaya lamang nung unang panahon iniisip ko kung paano nila nagawa o naitayo ang lugar na ito.
Na kahit hanggang sa dumilim madami pa din talaga ang pumupunta dito dahil napakaganda at napakaaliwalas ng lugar tahimik at payapa makikita mo yung mga ilaw na nagbibigay ng ganda sa lugar meron din ditong mga Tugtugan pag gabi pinapaalala lang na mas lalo natin pahalagahan ang ating bansa.
Nuon kay Teacher at sa libro lng Kita nakikita
Museum ni Dr Jose Rizal.😍132.72km laspag punit back in fort🚴👌💪
📸Michael Anselm👌
Pagkatapos namin magsikilista sa Intramuros Manila dumako agad kame papuntang calamba laguna upang makita ng personal ang museum ni Dr.Jose Rizal napakaganda parin ng lugar na kahit ilang lumipas na ang panahon mananatiling maganda at maayos ang istraktura, di ko alintana ang aking pagod dahil nung nagaaral pa lamang ako ay dati sa libro at picture ko lamang nakikita ang lugar na ito ngunit ngayon napuntahan at nakita ko mismo ang museum ni rizal makikita mo yung mga bagay na ginamit at sinusuot nung unang panahon.
Etong linyahan nya talaga na tumatak sa isipan at puso ko na hanggang ngayon dalang dala ko pa rin. Nakakatuwa na dapat talaga natin mahalin ang sariling wika at atin na dapat ipagmalaki natin na tayo ay pilipino na kailanman hindi magpapadaig sa kahit sino at kahit anuman pagsubok ating lalampasin at kakayanin.
Sa kakakikot ko sa lugar na ito mas lalo akong namamangha na makita at masilayan at mahawakan ang mga bagay na ngayon ko pa lamang nakita, dati sa libro ko lamang nakikita ang mga ito. Kaya labis ang pasasalamat ko sa mga kasama ko na isinama namin ang lugar na ito sa mga destinasyon na pupuntahan namin nakakatuwa lang talaga ng puso.
Mapalabas at hanggang loob sobrang ganda dito mo makikita kung anong klaseng pamumuhay o pananamit ang mga sinauna natin panahon o kasaysayan maging sa kagamitan o kasangkapan,pananamit napakaganda talaga sobra kaya siguro marami ang taong pumupunta dito upang makita ang lugar na ito upang alalahanin ang ating bayani.
Pagkatapos namin makita ang mga bagay o lugar sa buong lugar nagpahinga kami at nagikot upang may makainan pansamantala na kahit nakakapagod ngunit di alintana.
Samahan nyo pa po ako muli sa mga panibago kong pupuntahan at sana po nagustuhan nyo pong lahat.