God what is your next plan for me?

0 37

Akala ko dati kapag nasa 20s ka na, you have it all figure it out.

Hindi pala.

This is a very confusing age pala.

Most of our friends are getting married and starting to build their own family.

While some us are still recovering from a heartbreak or still in the process of praying for someone.

Yung iba satin, sobrang successful na and they are living the life of their dreams.

May bahay. May sasakyan. Patravel travel na lang.

While some us are still struggling how we can provide for our family and give back to our parents.

Pero truth to be told, majority of us are still confused.

"Saan ba talago ako patungo?"

"Ano ba talagang purpose ko sa buhay?"

"Kailan ba ko magiging successful?"

Sabe nila, i-enjoy lang daw natin ang buhay because being young is an advantage. At minsan lang tayong maging bata.

Pero kapag naman nag enjoy ka, tatanungin ka naman ng:

"Oh kailan kayo magpapakasal?"

"Kailan kayo magkakaruon ng baby? Baka mahuli ka na sa kalendaryo"

"Bakit hindi ka na lumipat ng work na mas mataas ang sahod?"

"Bakit hindi ka na lang magbusiness?"

"Kung mag abroad ka na lang kaya?"

Ang daming boses.

Madalas hindi mo na alam kung sino ang pakikinggan at susundin.

Kapag sinunod mo ang gusto ng iba.

Hindi ka naman masaya.

Kapag naman tinahak mo yung landas na gusto mo.

Na malayo sa iniisip ng iba.

Madidisappoint mo naman sila.

That is why it is very important to know yourself. Your beliefs, your values, and your goals.

What do you want and who you want to be.

Kapag talagang hindi mo kilala ang sarili mo, madali kang mapapaikot ng iba dahil sa bawat sasabihin nila, akala mo iyon ka.

You thought you're living "your dreams" but the truth is, you're just living their dreams.

Marami diyan sasabihin sa'yo, hindi mo kaya yan simply because they weren't able to do it by themselves.

At syempre dahil gusto mong may mapatunayan sa kanila, kahit minsan mali na, patutunayan mo naman na kaya mo.

Only to be left empty and unhappy after you're able to do it.

Yung iba naman sasabihin sayo, etong pangarap na lang na to kasi hindi nila natupad para sa sarili nila, kaya ikaw na lang ang tutupad para sa kanila.

Syempre dahil mahal mo, gagawin mo.

Kahit hindi ka na naggrow at hindi ka na masaya.

Wala namang mali duon.

Ang tuparin ang pangarap ng mahal mo sa buhay.

Pero ang tanong ...

Sa bawat desisyon ba na ginagawa mo at sa mga pangarap na binubuo mo

"At peace" ka ba or ginagawa mo lang yon kasi gisto mong ma-please sila?

Remember this:

"The best way to live a miserable life is to live someone else's life."

If you'd like to look back one day with no regrets.

And be happy and fulfilled.

Start to truly live your life.

According to your own definition of success

According to your own definition of happiness.

Basta walang inaapakan na iba.

At nasa tama ka.

"We accept the love we think we deserve."

Ganyan din sa buhay. We only accept the things we think we deserve.

Naalala ko dati kapag dumadating yung opportunities or blessings, nahihiya akong tanggapin.

Kasi feeling ko hindi ko deserve.

Saan nanggaling yon?

It came from my limiting belief na, mahirap lang ako. Hanggang dito lang ako because I came from a broken and poor family.

I grew up having little so I can only accept little.

Dati, naiinggit pa nga ako sa iba kasi it looks easier for them because they have a complete family, their parents provide for them, they are in good universities.

Samantalang ako, kailangan kong paghirapan lahat.

But having that kind of attutude, perspective, and mindset got me nothing and got me nowhere.

Wala, puro sama lang ng loob ang napala ko.

So one day, I told to myself ...

If I can't have the resources yet to get where I want, atleast I should have the wisdom and mindset.

Duon ako magsisimula. At duon ako babawi.

And that's what I did.

I removed the limiting beliefs I have

Mga salitang: mahirap lang ako, hindi ako magaling, hindi ko deserve yan.

And change it into:

"I know I deserve this because I work hard for this"

"I'm capable"

"I'm more than enough"

"I'm blessed"

I stopped looking at other people's blessings and focus on mine.

I develop the attitude of gratitude na even the smallest things I'm truly grateful and when I started doing that, I attract more - more blessings and more opportunities

I started envisioning the life that I wanted kahit na malayo siya sa realidad ng buhay ko nuon and started to feel I deserve the good things life has to offer, too.

At higit sa lahat, tumaya ako sa sarili ko.

Kahit imposible, kahit mahirap, kahit masakit, I bet on myself.

I developed my skills, did the messy yet necessary work to achieve the things I want.

I bet on myself kahit sa mga panahong walang naniniwala sakin.

I'm telling you this because most of us, we have the skills, we have the talent, pero our limiting beliefs overpowers all of them.

Nangunguna yung takot.

Nangunguna yung doubt.

Nangunguna yung feeling na hindi mo deserve kaya hindi mo na lang gagawin or tatanggapin.

Kaya ayon,

Walang natapos na plano.

Hindi nakausad.

Nanatiling nangangarap na lang at nakatingin sa blessings ng iba simply because they couldn't accept the fact that they deserve the good things in life, too.

Deserve mo 'yan. At mas lalong magiging deserve mo if you act on your dreams and bet on yourself.

Oo, may para sa'yo. Bagay man yan, tao, or opportunity. May darating na para sa'yo!

May para sa'yo.

Kaya huwag mong ipipilit to the point ma you're sacrificing your own well being and sanity.

Ikaw ang talo! Ikaw ang lugi!

Thank you so much guys 🤟💙

Sponsors of Akosimastermo21
empty
empty
empty

1
$ 0.00
Sponsors of Akosimastermo21
empty
empty
empty

Comments