Tubig isa sa mga likha ng ating panginoon. Tubig na kailangan natin sa araw araw. Siguro gaya ng hangin pag walang tubig tayo ay mamamatay. Ang tubig na bigay sa atin ay napakahalaga sapagkat ang malinis na tubig ang siya nating iniinom sa pang araw araw. Maraming pinag gagamitan ang tubig unang una na ang inumin natin sa araw araw ginagamit natin ito sa lahat ng bagay katulad na lang ng pagluluto hindi tayo makakapag saing kung walang tubig hindi tayo makakapag luto ng ulam kung walang tubig hindi natin mahuhugasan ang gulay at prutas na ating kakainin. Sa pang araw araw nating paliligo kailangan natin ng tubig sa pag huhugas ng pinggan maging sa paglalaba kailangan din natin ng tubig. Maging ang mga alaga nating halaman at mga hayop ay nangangailangan din ng tubig upang sila ay mabuhay. Halos lahat ng nabubuhay dito sa mundo ay isa sa mga pangunahing kailangan ay ang tubig dahil kung walang tubig maaari tayong mamatay dahil sa uhaw at init na nararamdaman. Kung ang tubig ay nakakapag bigay ng buhay minsan ang tubig din ang kumukuha ng buhay gaya ng mga namamatay dahil sa nalunod sa dagat o sa ilog. Ngunit ang tubig ay nakakapag bigay din sa atin ng saya lalo na sa tuwing sumasapit ang tag init dahil iyon ang araw na pwede at masarap maligo sa dagat at ilog. Sa likas na yamang tubig din tayo nakakakuha ng mga masasarap at ibat ibang klase na mga isda. Mayroon din tayongnagiging trabaho dito sapamamagitan ng pag aalaga ng mga isdang tilapya na pag nasa tamang laki at bigat ay pede ng ipagbili. O kaya pede din tayong manghuli ng mga isda at ibenta sa palengke upang magkaroon ng pera at maibili ng pagkain sa pang araw araw. Maraming nagagawa ang tubig marami din itong naitutulong sa atin. Ang tubig ang isa sa pinaka magandang biyaya na bigay sa atin ng ating poong maykapal. Kaya naman dapat nating panatilihing malinis ito para hindi mangamatay ang mga isda na isa sa mga pangunahing hanap buhay ng mga tao lalo na ng mga nasa tabing dagat. Ingatan natin into at wag sirain dahil malaki ang naitutulong nito sa atin.
0
7