Sorbetes...

0 10
Avatar for Akira
Written by
3 years ago

Sorbetes ang isa sa paborito kong kainin tuwing sasapit ang tag init. Napapawi ng sorbetes ang init ng aking lalamutan. Sorbetes ang kalimitan naming binibili. Madami itong masasarap na playbor may langka, ube, keso, tsokolate at marami pang iba. Si nanay ito ang paborito tuwing tag init kaya naman nag aral akong gumawa ng sorbetes. Sa unang gawa ko ng sorbetes marami ang namangha dahil sa sarap.. ang biro pa ng aking ina pwede ko na daw ito ibenta at pagkakitaan. Sa pangalawa kong gawa madami ang natuwa dahil masarap daw pala gawing sorbetes ang abokado. Kahit ako nagulat din kasi sa totoo lang ayaw ko talaga ng abokado pinilit lang ako ng asawa ko na gumawa ng sorbetes na gawa sa abokado mahilig kasi siya sa abokado. At dumating na nga ang oras halos maubos ng asawa ko ang dalawang tasa ng sorbetes pati ang panganay kong anak gustong gusto ang nagawa kong sorbetes. Ang sorbetes....

1
$ 0.00

Comments