Pusa

1 15
Avatar for Akira
Written by
3 years ago

Marami sa ating mga Pilipino ang may alagang hayop may aso, pusa, ibon, isda at kung ano pang mga hayop. Isa ako sa milyong milyon na tao dito sa mundo ang may alagang pusa. Sa totoo lang mas gusto ko ang aso kaysa pusa kaso wala eh pusa lang ang meron ako. Malambing ang mga pusa kaso pag nagalit nakakatakot din. Hindi talaga sa akin ang pusang iyan lumipat kasi kami ng bahay at sa nilipatan namen nadatngan na lang namen na may pusa ng nakatira sa bahay na nilipatan namen. Mabait ang pusang iyon kaya naman inapon na rin namen at inalagaan na para talagang amin. Magaling siya manghuli ng mga daga kaya pati ang aming kapitbahay hinihiram si mingming upang ipahuli ang mga daga sa kanilang bahay. Si mingming yan ang pangalan ng aming pusa. Babae si mingming at ilang beses na rin siyang nanganak may time pa nga na nanganak siya aming paanan habang kami natutulog. Napaka cute ng mga anak niya ang lagi niyang anak ay tatlo at talagang napaka gaganda. Dahil sa kami ay mahirap lang lagi namen ipinaaampon ang kanyang nagiging anak. Ngayon si mingming ay matanda na. May inampon kmi sa anak niya isang lalaki kulay puti ito na may kulay na orange sa may buntot. Tulad ni mingming siya din ay napakalambing ngunit matapang. Isang beses pinakain ko si mingming at si gerald ang pusa na anak ni mingming .. may lumapit na aso upang sila ay agawan sa kanilang pagkain ngunit si mingming ay hindi nag patinag hinabol niya ang aso at akmang kakalmutin. Tatakbo ang aso ng aming kapitbahay. Ngayon ko lang napagtanto na masarap din palang mag alaga ng pusa kahit na mahilig silang mangalmot. Mas gusto ko na ngayon ng pusa kay sa aso. Ang aming mingming na mahal na mahal namen. Ipinagmamalaki ko na may alaga akong mga pusa na antukin at napakalambing ngunit sa oras na silay kailangan lagi silang nandiyan lalo na pag may daga na umaaligid sa loob ng bahay. Sila din ang isa sa nakakapag pawala ng pagod sa akin pagod at stress. Mas mabuting kaibigan ang mga hayop kaysa tao kasi ang mga hayop ay andiyan palagi para ikaw ay damayan kaysa sa tao na andiyan lang pag may kailangan at kung minsan plastik pa kapag nakatalikod ka ang daming masasamang sinsabi pero pag kaharap ka kala moy maamong tupa. Sa mga may alagang hayop sana tratuhin po natin sila ng maayos,mahalin na parang isang tao iturinf na parang isang tao dahil sila lang ang totoong kaibigan na laging nandiyan upang ikaw ay damayan.

1
$ 0.00
Avatar for Akira
Written by
3 years ago

Comments

Kakakuha lang namin ng bago naming kuting. Stress reliever ika nga ang mga pet animals

$ 0.00
3 years ago