"Nainlove ako sa bestfriend ko"

1 48
Avatar for Akira
Written by
4 years ago

Hi, siguro naman lahat tayo may mga kaibigan mapababae man o lalaki. Masarap magkaroon ng kaibigan dahil para mo na silang kapatid, laging kasangga sa buhay at laging kasama sa lahat ng mga kalokohan...

Ako nga pala si Hana at si Tobe si Tobe naman ang bestfiend ko. Siya ang kaisa isa kong bestfriend sabagay wala naman nga pala akong kaibigan kundi siya lang.....Bestfriend na kami ni Tobe simula nong kinder pa kami. Gaya ko ako lang din yung bestfriend niya, never pa siya nagkaroon ng kaibigan bukod sa akin...siguro dahil nasanay na kami na kaming dalawa lang lagi ang magkasama kahit sa anong kalokohan lagi kaming magkasama...wala namang masama kung hanggang dulo kaming dalawa ang magkasangga kahit na lalaki siya at ako ay isang babae...Pero, dahil sa isang pangyayare hindi ko aakalain na magbabago ang lahat. Lahat nang aming mga pinagsamahan sa isang iglap lang nagbago ang lahat.. So, eto na yun dito nag simula ang lahat...Unang araw nang aming pasukan nasa high school na kaming dalawa, syempre dahil sanggang dikit kami kaya kung nasaan ang isa andon din ang isa kaya naman mag kaklase din kami. Umaga ng araw na yun dumating ang aming guro sa unang klase namen.. Bago nag umpisa ang aming guro may ipinakilala siya sa amin bagong salta sa aming paaralan..maganda siya at maputi at mahinhin, mahaba ang buhok at parang kung titingnan ay galing sa isang mayaman o may kayang pamilya...Napansin ko na lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa kanya lalo na ang mga kalalakihan na manghang mangha sa kanyang kagandahan pati ang bestfriend ko.. Nang makita ang bestfriend ko na titig na titig sa bagong transfer sa amin nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman iyon.. Lumipas ang oras at hapon na...ito na yung pinaka iintay kung sandali kasi labasan na at ito rin ang paborito kung oras dahil sabay kami ni Tobe na uuwe at dadaan kay aling Ana para bumili ng isaw. "Tobeeeee tawag ko...tara uwe na tayo dadaan tayo kila aling Ana libre mo ako ng isaw" . "Ahhhh sige teka bakit ako na naman ang manlilibre dapat ikaw naman ngayon Hanabi". At yun na nga nakarating kami kina aling Ana para bumili ng isaw...sa hindi inaasahang pangyayare nakita namen si Mara, siya yung klasmate namen na kaka transfer lang kaninang umaga. Tinawag siya ni Tobe para alukin ng isaw...lumapit naman si Mara at agad na tinanggap yung isaw na bigay ni Tobe. " Hanabe ikaw na mag bayad ng sayo ahhh, libre ko na kase si Mara" sa sinabi niyang iyon para akong nasaktan katulad ng aking naramdaman kaninang umaga lang...Tumango na lang ako at dali daling inubos ang kinain kung isaw...nagpaalam na ako kay Tobe at kay Mara na mukhang enjoy na enjoy sa pag kkwentuhan..Ni hindi man lang ako pinansin ni Tobe, sa pangatlong pagkakataon nasaktan na naman ako ang weird lang... Pag uwe ko sa bahay naabutan ko na nag aaway si mama at si papa. Nakita ko na may dalang bag si papa paalis na ng bahay, hindi na lang ako nagtanong alam ko naman na dito hahantong ang kanilang pagtatalo...niyakap ko na lang si mama.. solo pala akong anak samantalang si Tobe bunso sa tatlong magkakapatid at lahat sila ay puro lalaki... Gabi na at hindi ko maiwasang masaktan dahil sa nakikita ko si mama na tulala at iyak lang ng iyak...gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako natatakot ako kung anong pwede kung malaman kung bakit at anong dahilan at umalis si papa. Ikalawang araw ng pag pasok ko sa school masaya ako kasi makikita ang bestfriend ko at makakatabi sa upuan...gusto kong ipakita sa kanya na masaya ako ngayong araw kahit na sa loob ko sobra akong nasasaktan dahil sa pag hihiwalay ng aking magulang... Nauna ako sa kanya kaya naman inantay ko siya...nakita ko padating na siya at kasama niya si Mara....Bakit kaya kasama niya si Mara?? Binati ko si Tobee ng malakas Good morning Tobeee pero sinabihan niya lang ako ng wag akong maingay sa ika apat nasakatan na naman ako pero binalewala ko lang.. " Hana, pwede bang palit na lang kayo ng upuan ni Mara, yan ang sinabi sa akin ni Tobe hindi ko alam pero parang natulala ako sa sinbi niya para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon...wala akong nagawa kundi ang pumayag...buong maghapon hindi niya ako kinausap sila lang dalawa ang laging magkausap..simula ngayon mag isa na lang ako....hindi ko namalayan ang oras..Dali dali akong lumabas at umuwe mag isa hindi ko na inintay si Tobe kasi busy siya sa bago niyang kaibigan...habang sa aking pag iisa pag naaalala ko yung sinbi sa akin ni Tobe naiiyak ako hindi ko alam pero hindi ko mapigilan na umiyak...nakauwe na ako dito sa bahay...ang tahimik nakita ko si mama nakahiga at umiiyak pa din lalo na akong nasasaktan hindi ko na alam ang gagawin ko...Nawala si papa pati ang best friend ko wala na din may iba ng bestfriend....Halos hindi ako nakatulog sa kakaiyak maga tuloy ang mata ko pero kailangan padin pumasok..Gaya ng nakaraang araw hindi ako kinakausap ni Tobe..nakikita ko siyang masaya habang kasama si Mara habang ako eto malungkot itinulog ko na lang ang lahat...nagising ako ng may kumalabit sa tabi ko kala ko nananaginip ako pero siya nga...si Tobe ginising niya ako niyaya nila akong kumain recess na pala....sumama na lang ako pero parang hangin lang din ako sa kanila na out of place ako ni hindi nila ako kinakausap....miss na miss ko na ang Tobe na bestfriend ko..nauna na akong magpaalam sa kanila bumalik ako sa room at natulog ulit.....Ilang linggo na medyo nasasanay na rin ako na wala si Tobe sa tabi ko pero pag nakikita ko sila ni Mara na masayang nag uusap nagseselos ako...best friend ko siya...siya lang yung naiisa kong best friend pero iniwan niya lang din ako sobra na akong nsasaktan...At dumating na ang araw na kinatatakutan ko birthday ko na laging andito si Tobe para samahan ako sa birthday ko pero hapon na wala pa din siya..hanggang sa nag pop up sa fb ko ang isang post na nakadurog sa puso ko....sila na pala at ngayong araw siya sinagot ni Mara...hindi ko alam kung bakit sobra sobra akong nasasaktan...nasanay na kasi ako na lagi kaming magkasama na laging kaming dalawa lang sa lahat ngayon kinalimutan na niya ako...ngayon ko lang nalaman kung bakit ako nasasaktan ng ganito...hindi dahil sa selos kundi dahil "Nainlove ako sa bestfriend ko" at huli na pala kasi may mahal na siyang iba..

3
$ 0.00
Avatar for Akira
Written by
4 years ago

Comments

Base dun sa title. Haha, nangyari na sakin to eh. Nainlove din ako s bestfriend ko.. Ang hirap kapag sa bestfriend ka na inlove, ni hindi mo alam gagawin mo ni hindi mo masabi. Grabe yun. Kapag magkasam akami pasemple lang ako n ainaamoy buhok nya pos pa joke joke mga ganun pero dku masabi grabe kalabog ng puso ko kpag sasabihin ko na kaya d matuloy tuloy. Nag iiba sinasabi ko kapag sasabihin ko na e, dku talaga masabi haha. Kaya lang ayun yun handa na akong sabihin ay wla na sya. Sobrang sakit nun. Pakiramdam ko kasi kung sinabi ko malaki pag asa ko

$ 0.00
4 years ago