Musika

0 6
Avatar for Akira
Written by
4 years ago

Gaano ba kahalaga sa isang tao ang musika? Nakakatulong ba ang musika sa buhay ng tao? Para sa isang ordenaryong tao na katulad ko ang musika ay isang magandang likha ng tao, mga bagay at mga hayop. Napakagandang pakinggan ng mga musika lalo na kung ikaw ay nag papahinga. Nakakatulong ito na mawala ang bigat ng pakiramdam na iyong dala dala. Sa pakikinig ng musika maaari natin matapos ang ating gawain ng hindi natin namamalayan dahil nkapukos tayo sa pakikinig ng muskia. Ang musika ay may ibat ibang genre maaaring balad, pop, regae, jazz at iba pa. Para sa akin kahit anong musika basta maganda. Malaking tulong sa akin ang musika kahit na di ako marunong gumawa ng kanta at kahit na hindi ako marunong kumanta malaki ang tulong nito sa akin lalo na pag mag papatulog ako ng dalawa kong chikiting. Mabilis silang nakakatulong pag pinatutogtog ko ang mga pambatang kanta. Madali din silang matuto dahil sa mga kanta. May kilala ako mga kaklase ko halos lahat sa kanila magagaling kumanta nakakatuwa pa kasi puro lalaki sila. Pag wala kaming klase ilalabas nila ang kanilang dalang gitara at mag sisimula ng kumanta. At ito namang kaklase ko kahit ang iba ay sintunado nakikisabay na din kaya napakasaya talaga makinig ng musika. Lalo na kung ikaw ay magaling kumanta tapos sasali ka sa mga paligsahan na kahit hindi kalakihan ang premyo sasali ka kasi hindi yun yung gusto mo kundi ang mapakita sa ibang tao na kaya mo na magaling kang kumanta at may boses ka. Kahit hindi ka maganda o gwapo basta magaling ka kumanta ay talagang ayos na. Bunos na lang don ang makukuha mong premyo kung sakaling ikaw ang mananalo. Ang musika ay isang intrumento na kung saan malaki ang naitutulong nito sa ating buhay. Ako, gustong gusto ko kumanta kahit sintunado ako nakanta pa din ako kasi nakakaalis siya ng problema kahit pansamantala lang. Pag may okasyon hindi nawawala ang videoke nakakahiya man kumanta kasi sintunado, pero wala silang paki kasi nakanta pa din ako. Isang lugar lang ang magandang lugar sa akin na parang pag akoy nakanta eh hindi ako sintunado at yun ay ang cr. Para akong singer pag sa cr ako nakanta. Kayo ganun din ba ang pakiramdam nyo para kayong singer pag sa cr kayo nakanta? Kaya dapat nating mahalin ang musika dahil ito ang laging nagbibigay ng sigla sa atin sa pang araw araw nating ginagawa. Dapat din nating ipagmalaki ang ating sariling musika at wag natin itong ikahiya. Hindi man tayo magaling gumawa ng kanta, hindi man tayo magaling kumanta, atleast pinahalagahan natin ito at ipinagmalaki kahit kanino. Minsan ang musika ay sumisimbolo kung sino talaga at kung ano talaga tayo. Bigay ito sa atin kaya wag tayong mahiya kung hindi tayo magaling sa musika ang ibahagi at tangkilikin ito ay ayos na.

2
$ 0.00
Avatar for Akira
Written by
4 years ago

Comments