Kalikasan

0 3
Avatar for Akira
Written by
4 years ago

Ang kalikasan ay bigay ng ating panginoong may likha. Napaka importante ng kalikasan sa ating pang araw araw na kabuhayan. Kakambal na nito ang ating buhay. Marami ang nagagawa at naitutulong sa atin ng kalikasan sa katunayan kung wala ang kalikasan siguro wala na din tayo kasi unang una ito ang nagbibigay sa atin ng malinis na hangin, mga prutas at gulay, damit, gamot at marami pang iba. Ang kalikasan ang bumabalanse sa atin. Dito sa ating bansang Pilipinas marami tayo ditong likas na yaman na dulot ng kalikasan. Ngunit dahil sa mga tao ito ay lubos at nanganganib ng maubos. Dahil sa mga ilegal na gawain ng mga tao ang kalikasan natin ay unti unti ng nawawala nauubos na ang mga hayop sa gubat gayun din nauubos na ang mga punong kahoy sa bundok dahil sa walang awa na pag puputol ng mga puno walang tigil na pagkakaingin pagkakalbo ng bundok at pagmimina sa bundok na siyang nagiging dahilan ng pag guho ng mga lupa pagkawasak ng mga tirahan. Sa tubig, ang ilegal na pangingisda isa sa mga dahilan kung bakit nauubos na ang mga isda, ang pagtatapon ng basura na napupunta sa ilog at dagat, ang mga pabrika na deritso ang tapon ng mga kemikal sa dagat, ang pagwasak sa mga coral reef. Sa hangin ang mga bulok na sasakyan na walang humpay ang pag usok ang mga pabrika na may maiitim na usok at ang pagsusunod ng mga plastik ang nagiging sanhi ng pagkasira ng ating ozone layer na siyang nagiging dahilan ng matinding init na ating nararanasan ang pabago bagong klima na ating nararanasan. At ngayon, ang mga bulkan na nagsisiputukan. Naisip ba ninyo na kung inalagaan natin ang kalikasan ay mangyayare ang ganito sa atin? Lahat tayong mga tao ay may kasalanan sa kung anong nangyayare na ngayon sa ating mundo. Kaya habang hindi pa huli ang lahat dapat nating alagaan ang ating kalikasa. Ingatan natin at wag na nating sirain pa dahil sa huli tayo din ang maapektuhan nito. Ang kalikasan na bigay sa atin ng panginoon ay dapat nating ingatan, alagaan at mahalin dahil pag ito ay binawe na ng ating may kapal paano na tayo..paano na ang mga batang isisilang pa lang, hindi na nila mararanasan pa ang kaginhawaan na ating naranasan sa ating kalikasan. Kailangan natin ang maging matipid, mag reuse, reduce at recycle tayo. Sa pamamagitan nito malaki ang maitutulong natin sa ating kalikasan kahit na sa munting paraan. Alagaan ang kalikasan para sa bayan, bansa at sa sanlibutan. Tayo ng magtulong tulong upang hindi ito mawala sa atin. Sa pamamagitan nito makakabuo tayo ng maganda at malagong kalikasan.

2
$ 0.00
Avatar for Akira
Written by
4 years ago

Comments