Ipon

2 14
Avatar for Akira
Written by
3 years ago

Likas na sa ating mga Pilipino ang mag ipon. Mag iipon sa pamamagitan ng tibyo o piggy bank o kaya naman ay savings sa banko. Masarap mag ipon lalo na kung may pinag lalaanan ka halimbawa nag iipon ka para makabili ng cellphone o kaya nag iipon ka para makabili ng bahay at lupa o kaya naman nag iipon ka para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Alam ninyo ba na nagsisimula ang pag iipon sa pag titipid. Ang pagtitipid yin bang kung ano lang ang kailangan siya lang ang dapat bilhin at wag kung ano ano. Pag matipid ka may matitira sayong pera at pag may natira may maihuhulog ka sa tibyo. Dati bata pa lang ako sinubukan ko na ang mag tibyo sinubukan ko mag gawa ng tibyo sa lalagyan lang ng polbo...hehehe at dahil bata pa lang ako pag napupuno ko yung tibyo ko ginagastos ko ulit minsan mag huhulog ako sa umaga tapos kukunin ko din sa hapon...maliit lang kasi yung lagayan ng polbo kaya isang linggo pa lang puno na tapos di pa naabot ng isang daan. Tapos nag pagawa ako sa tatay ko ng medyo malaki na tibyo at alam nyo ba na ang ginawa ng tatay kung tibyo ay yung sa kawayan para naman daw pag naihulog ay hindi ulit makuha. Tuwang tuwa ako non kasi nga malaki na yung tibyo ko kaso habang tumatagal naiinip naman ako sa kakahulog ko kaya naman sinabi ko sa kanila na tulungan ako maghulog. At yun na nga hindi din namen napuno yung tibyo ko kasi dumating ang pangangailangan namen ng pera. Malungkot kaming binuksan ang aming tibyo at medyo malaki laki din ang aming naipon mula sa pabarya barya na hulog naka tatlong libo at limang daan kami noon. Dala ng pangangailangan kaya aming nabuksan ang aming tibyo. Napakasaya at npakasarap sa pakiramdam na makaipon ka ng pera. Yung perang naipon namen ginastos namen dahil naospital ang nanay namen nong mga panahong iyon. At buti na lang may ipon kami dahil sa oras ng pangangailangan sa tibyo kami nakakuha ng pera. Hindi masama ang mag tipid dahil makakaipon ka at makakabili ka ng mga gusto mong bilhin lalo na kung ito ay yung pinag ipunan at pinaghirapan napakasarap sa pakiramdam.

5
$ 0.00
Avatar for Akira
Written by
3 years ago

Comments

Opo Tama mag ipon para SA kinabukasan o SA magustuhan mong bilhin para SA sarili mo. Ang pag iipon ay likas na SA pilipino na may paglalaanan. Kaya dito SA readcash ung kikitain mo iponin mo at pag naipon mo lalaki Kaya pag may gusto Kang bilhin ay mabibili mo. At galing pa Kay readcash diba. Habang nagsusulat ka dito ay makakaipon ka.

$ 0.00
3 years ago

Pero yung mga bata ngayun ang gastos na eh😂 onti nalang nagiipon tulad ko nagiipon ako para may pang bili ako ng gamit sa school pag walang pera si papa.

$ 0.00
3 years ago