Ang Aking Talambuhay

0 52
Avatar for Akira
Written by
3 years ago

Ako si Zendirlyn kakaiba ang pangalan ko ang nanay ko ang nag bigay nito sa akin nakuha niya to sa pangalan ng karakter na si zenki. Dalawamput dalawang taong gulang na ako. Mahirap lang kami pero kahit ganun punong puno naman kami ng pagmamahal ng aming magulang. Ang mga magulang ko ay hindi nakapagtapos ng pag aaral kung kayat nag sisikap sila na pagtapusin kami ng pag aaral ng sa gayon hindi daw kami matulad sa kanila na isang kahig isang tuka. Pinagmamalaki ko ang aking masisipag na magulang, ang tatay ko ay isang karpentero nag titiyaga sa initan kumita lang ng pera kahit mapokpok ang kamay tuloy pa din sa pag ttrabaho ang aking tatay ipinagmamalaki ko siya ganun din naman ang aking nanay na matiyang sumasama sa pag gagayak tuwing meroong may kaarawan kahit matusok ng pin ang kanyang kamay ay tuloy pa din siya para may maipandagdag lang sa aming pang bili ng proyekto sa paaralan. Kitang kita ko ang kanilang kasipagan ngunit ako itong sinayang lang ang kanilang pinaghirapan na pabarkada nagka nobyo at nabuntis nang maaga at isa pa hindi ako nakapag tapos ng pag aaral. At heto ako ngayon nag sisikap nagpatuloy ako sa pag aaral ngunit hindi na enhenyero ang aking kurso kundi isang broker na. Pinipilit kong magtapos kahit akoy may anak na upang ipakita sa kanila na gusto kong bumawe sa lahat ng pasakit na naibigay ko sa kanila. Gusto kong makatapos hindi para sa akin kundi para sa karangalan na maibibigay ko sa aking magulang at gayon din sa aking mga anak. Ayaw kung tularan nila ako. Tanggap ko na ang aking pagkakamali at akoy lubos na nagsisisi sa aking nagawang kasalanan. Gusto kong makabili kami ng sarili naming lupa at bahay dahil lumaki ako na nangungupahan lang kami ni hindi kami makabili ng sarili naming lupa kaya ang balak ko pag nakatapos ako sa awa ng diyos kung papalaring makapasa ako sa exam ng broker pipilitin ko na mkahanap agad ng trabaho upang mkaipon at makabili ng lupa at mkpag patayo ng sarili naming bahay at para narin sa kinabukasan ng aking mga anak.

2
$ 0.00
Avatar for Akira
Written by
3 years ago

Comments