Ang Coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong natuklasang coronavirus.
Ang karamihan sa mga taong may COVID-19 ay makakaranas ng mga bahagya hanggang katamtamang sintomas at gumagaling nang walang epesyal na paggamot.
PAANO ITO KUMAKALAT
Pangunahing naipapasa ang virus na nagdudulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng mga droplet na nabubuo kapag umuubo, bumabahing, o humihinga ang isang nahawahang tao. Ang mga droplet na ito ay masyadong mabigat para manatili sa hangin, at kaagad na bumabagsak sa mga sahig o surface.
Maaari kang mahawahan sa pamamagitan ng paglanghap sa virus kung malapit ka sa isang taong may COVID-19, o sa pamamagitan ng paghawak sa kontaminadong surface at pagkatapos ay paghawak sa iyong mata, ilong, o bibig.
Hello