Kwento ko sa pagsisimula ko mag gitara at pagbabanda.
Simulan ko ito noong bata pa ako grade 5.
Ako yung taong after school gusto ko lang mag laro ng basketball gumala computer games tambay kasama mga tropa ko sa labas.
Daily routine ko na ata to. Hanggang sa dumating yung araw na nakakapanood ako ng tumutugtog ng gitara or nagbabanda. Naaaliw ako sknila nakakatuwa. Na parang gustong gusto ko rin maging katulad nila.
Birthday ko non at nagulat ako binili ako ng aking ama ng gitara maliit lang yun pero 6 strings. Ito ang ginawa kong practisan ko. That time nalaman ko na ang ama ko pala ay isang part ng banda before nung kabataan nya. Nagpractice ako via youtube lang. Hanggang grade 6 nakabuo kme ng barkada ko ng banda. Ibang iba tlga pag naaabot mo pangarap mo. Dati tumutugtog lang kme sa harap ng kaunting tao na prang pamilya lang namin nasa harap namin. Pero nung highschool naging part kme ng banda sa school namin na napakadaming tao ang nanonood sinali kme interhigh at nanalo kami. Ang saya saya. Natuwa din ang pamilya ko kaya binili na din ako ng electric guitar. Sun burst sya napakaganda nya. Itinuring ko talaga itong prang kaibigan ko inaalagaan ko pinupunasan na para bang ayokong madumihan. Ang saya na hanggang ngayon asakin sya. 5 na gitara ko at hanggang ngayon alagang alaga ko sila.
Kaya sa mga taong nangangarap tumugtog ng kahit ano man instrumento gawin nyong inspirasyon ang pamilya at kahit maliit na bagay. Gawin nyo lang ang gsto nyo at paghirapan maabot ang pangarap!
Follow your fashion