Life Story

0 8
Avatar for Ajrc
Written by
3 years ago

Simulan natin sa Ganito.

Ako yung batang malikot, takbo dito takbo don, puro laro kasama mga barkada ko. Ako din yung mahilig sa Music sa pag babanda bata pa lang ako. Ang aking ama ay isa din sa myembro ng banda noon at siguro sakanya ko namana ang kagustuhan ko sa music. Tanda ko pa noon grade 5 nagsimula na kaming bumuo ng banda kasma mga tropa ko. Mahiyain pa kami nung una pero sa katagalan ay nagkakaron na kami ng angas pag nasa stage kami. Hanggang sa nadala ko ito hanggang highschool year 2011-2012 tumutugtog kame sa harap ng madaming tao nasali din kami sa mga battle of the bands. Sobrang sarap sa pakiramdam na sumisigaw ang mga tao sa harap namin habang tumutugtog kami. Nakasama din namin ang ibang sikat na banda. Ito yung talento na meron ako at iniingatan ko. Sobrang saya!

Year 2016 nung grumaduate ako ng college sa edad na 20 years old. Sa dami ng mga dumadaan na problema pinilit ko agad makahanap ng trabaho pra makatulong sa aking pamilya. Nakapasok ako sa isang company na tumulong skin pra makaipon at mabayaran ang ibang kaylangan kong bayaran. Madami akong naging kaibigan madami akong tropa na laging anjan para sakin. Ibang iba talaga pag mdmi kang tunay na kaibigan. Napakasarap sa pakiramdam lage kong kasma uminom mag gala pero maginom lang tlga ang malimit haha. Hanggang sa nakilala ko ang taong nakapagpasaya sakin. May mga naging gf din ako pero ibang iba ito sknila. Mdming nangyare samin puro gala kain kami at syempre ang kagandahan dun yung magkaduty pa kami minsan. Haha Hanggang sa dumating yung araw na kinaylangan nya lumayo sakin. Ito yung araw na napakasakit ang hirap kaso kaylangan nya magwork sa ibang bansa pra rin sa future at family nya. Nakakalungkot ang hirap isipin pero masakit pala tlga na makita na lumayo ang mahal mo.

Hanggang sa Dumating na yung araw na nakuha na nya ako. Nagkasama kaming muli at mdmi kaming napuntahan nag celebrate kami ng mga month at anniversary na hndi kami magkasama. Ang saya saya hanggang sa nakapagpakasal na kami. Pang habang buhay na talaga to. Masayang msya kami at lage na kami magkasma. Matulog pag gising maghhiwalay lang kme sa trabaho. Napakasaya ko. Tuloy tuloy lang ang blessings ni lord sa amin. Marami pang mangyayare at dadaan na pagsubok pero alam kong nakakapit lang kami at patuloy na tatawag sa dyos. 💕

1
$ 0.00
Avatar for Ajrc
Written by
3 years ago

Comments