Batang makulit!

0 27

Thalthal!!!! Ayan n naman ang sigaw ko. Sa araw araw na lang. Hindi maaring hindi ko sasawayin ang bunso kong anak. Hindi na talaga masabihan. Paulit ulit na lang. Saway dito ,saway dun. Ngalay na lalamunan ko s kakasigaw ,pero ang batang makulit, ayun parang walang naririnig!

Siya si Xack Gretel Descalso, bunso sa tatlong magkakapatid. Limang taong gulang. "Thalthal" ang nickname nya. Siya ang dahilan kun bakit araw araw ngalay ang lalamunan ko. At kahit limang taong gulang palang siya ay napapalo ko na din siya. Kakaiba siya sa dalawang kuya nya. Hindi ko alam kung ganito na ba talaga ang mga bata sa ngaun o sadysng kakaiba lang ang anak ko.

Mas maligalig siya pag nakikita ako. Sabi nila baka na mimiss lang ako dahil nagtatrabaho ako dati sa isang manufacturing comapany at sa gabi nya lang ako nakikita. At tuwing day off lang kami nagkakaroon ng time para mag laro. Ngaun Resigned na ako sa trabaho ko at hands on na ako sa pag aalaga sa anak ko. At ayun nga , araw araw ngalay ang bibig ko sa kakasaway🤣🤣🤣 . Bawat kilos nya lagi akong nakasaway. Laging nkakasira ng gamit o laruan nya, laging nakakasakit ang mga laro nya. Hindi nya din naiisip na makakasakit un gagawin nya sa kalaro nya kaya ang ending, paluan na naman.

Pero kahit gaanu pa siya kakulit at pasaway, marunong naman siya mag "sorry" ,mag "thank you" at mag "i love you" at kahit ganu pa nakaka inis ang mga ginagawa nya, masarap pa din marinig mula sa kanya ang mga salitang yan.🥰🥰🥰 Nakakatuwa na sa mura nyang edad ay alam nya na ang mga salitang ito. At nakakataba ng puso na marinig sa kanya ang mga eto.

Sa mga nanay jan na katulad ko. Alam ko nakakarelate kau. Kasi ang pagmamahal ng isang "ina" ay ibang iba sa iba.🥰🥰🥰

1
$ 0.00

Comments