Jelly in bottle for a cause.

0 23
Avatar for AirAed
Written by
4 years ago

Good day mga readers!!


Matagal tagal na ulet bago ako nakapag post dito... "hehe" medyo nabusy kasi ako sa ginagawa namin ngayon.

*Jelly in a bottle

-Maraming nauusong mga palamig ngayon, well samin kasi late na naming sinimulan tong business na to since kailangan namin ng pera para pang paMRI
ng asawa ko eto yung naisip kong business kung baga fund raising namin para
makalikom ng pera. sa hirap kasi ng panahon ngayon para lang magkapera ee
Kailangan mag isip ng pagkakakitaan since wala din naman akong work ngayon.

*Flavored Jelly in a bottle

-So ayun nga po nagisip kami ng anung flavor ba kami magsisimula? Sa dami ng klaseng Inumin ngayon ee mukang tsmaba kung makakahanap kami ng buyer na
gusto yung binibenta namin.


Coffe Jelly

eto yung una naming sinimulang ipost sa isang social media account ko. "Sana may Bumili. Ang title pa nga ng post naming ito ee "Coffe jelly for a cause". siguro yung ibang readers natin dito ee nakita na tong post ko ito kasi ito lang naman yung picture na pinost ko... At talagang sa una duda ako kasi panu nga naman kung walang bibili? panu kaya?.

So ayun nga po, nag start kami sa 20 bottle's na 350ml ang laki ng bottle. at laki gulat namin ng biglang nag boom yung post naming coffee jelly for a cause. talagang dumagsa yung orders namin., from 20 bottle's to 220 bottle's for 2 days... talaga ngarag ako nun kasi sabi ko ok lang maka benta kahit 20 bottles a day or less. sabi ko nga sa asawa ko eto na siguro magandang simula ng negosyo natin.

Sa ngayon may tatlong flavor na kaming dinagdag. merun na kaming Chuckie jelly, Avocado jelly, at Mango jelly. Panalangin ko sana magtuloy tuloy tong negosyo naming ito para makaipon pang MRI ng asawa ko.

Dito nalang ulet... salamat sa pag babasa ^_^

1
$ 0.00
Avatar for AirAed
Written by
4 years ago

Comments