July 1, 2020 nag punta kami ng medical city sa pasig ng aking asawa kasama ang byenan kong babae. para mag patingin sa isang espisyalit ang aking asawa, pero hihingi lang kami ng 2nd opinion dahil nga sa nangyare sa kanyang mata.
June 17, 2020 naghinaing ang aking asawa na nag suka sya ng bandang tanghali kinahanponan noon ng nagsabi naman sya sakin na sobrang sakit ng kanya ulo, ako naman ng mga oras na yun ee nasa trabaho pa bilang delivery food rider sa isang maliit na fast food dito saming lugar kaya hindi ko sya maasikaso. pagkagaling ko sa trabaho agad kong tinanung ang kanyang kondisyon, nasabi nga nya sakin na masakit talaga ang ulo nya na para na syang lalagnatin sa sakit. ganun kasi sya pag masakit ang ulo nya kasunod ee lalagnatin sya. sabi ko sa kanya mag haponan na kami pag katapos maglinis na sya ng katawan at pagtapos din nun ee magpapahinga na kami. at ayun nga nangyare naakakaen na kami nakapaglinis na din sya ng kanyan katawan nakapag latag na rin ako ng aming hihigaan.
nuong nakahiga na sya ay sinabi ko kanya na mag pahinga na sya matulog na para hindi na lumala pa ang sakit ng ulo nya. ware ko dala siguro ng sobrang init kaya sumakit ang kanyang ulo. nang nakatulog na sya ay ginawa ko naman ang mga natitira pang mga gawaing bahay, naghugas na ko ng platong pinagkaenan at mga bote ng aming bunso, sa kalagitnaan ng aking pag huhugas ng bote ee bigla nalang napasigaw ang aking asawa at nag umpisa na syang mag iiiyak. "yam!!! nandidilim ang paningin ko at malabo!" ako naman ay dali daling tumugon. "kalma yam, kalma ka lang." hindi ko alam kung panu ang gagawin. tinawagan ko ang byenan kong babae at sinabi at sitwasyon, pareparehas pa naman kaming walang hawak na pera para sana maihatid sya sa clinic sa bayan. pinakalma ko na muna sya at sabi ko baka biglaan yan baka mawawala din yan... huminahon naman ang asawa ko pero naluluha sya sa nanyare. "bakit ngayon pa?" sabi nya sakin na ako naman tuliro at d malaman ang gagawin. agad akong naghanap ng pwedeng mahihiraman, alam kong mahirap makahanap ngayon ng uutangan gawa ng pandemya sa ating bansa.
doon ko naisip na manghiram sa aming pastor. agad naman tong tumugon pero gaya nga ng inaasahan hirap din sila sa pera gawa ng pandemya pero naisip nya na itugon to sa aming simbahan.. may mga nag bigay ng kunting tulong hanggang sa mabuo ng perang sinabi ko sa aming pastor. dito ko nakita na pwede ngang sabihing "WE HEAL AS ONE!" dahil hindi lang isang tao ang nag abot ng tulong nya kung hindi lahat ng may kakayanang tumulong ay tumulong dahil hindi lang naman pera ang nabigay nila pati panalangin para sa aking asawa.
hanggang dito nalang muna. itutuloy ko po tong kwento naming mag asawa. kaya keep reading ... maraming salamat po ^_^