Panalangin

2 3
Avatar for Ailjhe
Written by
3 years ago

Sa pangalan ng aking panginoon,sa tuwing sasapit ganitong sandali,Nasa puso ko ay kakapit,lungkot at pighati.pasan man ng hirap halos pag asa ay mawala minsan ng naisip buhay bawiin na bigla.

Ngunit sa gitna ng pagbubulay-bulay,Naaalala ko nga ang nagdaan kung buhay.nakita ko muli,noon din ay lumuha.nasa dalangin naman nadama ang tuwa.

Noon man ay may hirap akong nadama,at sa mata ay pumatak mga luhang sagana.Ngunit ng iluhod yaring mga tuhod.bulong ng pag asa, ANAK MAGTINDIG KA!

Doon ko nakita kanlungan ko at moog.sa sandigan kung lagi,kung sa bagabag ay hulog.Doon ko nadama,wagas na pagsinta.Marami mang sala hindi nya inalala.

Kaya pag dumating mga ganitong sandali,dumating man mga pagsubok. Gaano man kalaki sa aki'y nakatuktok,hindi ako masisindak hindi matatakot. Lahat ng pasan ko ay sa diyos idudulog.

MARAMING SALAMAT!

❤ AILJHE ❤

4
$ 0.05
$ 0.05 from @Bok17
Sponsors of Ailjhe
empty
empty
empty

Comments

Napakagandang panalangin.salamat sa pag share.

$ 0.00
3 years ago

Salamat para sa lhat yan..

$ 0.00
3 years ago