Magandang gabi!musta ang maulan maghapon?sarap pakiramdam, kahit paano ay may lamig din..naiibsan din iyong init na mabanas.
Ito pala sa lahat sa atin, baka may nakakalimot sa atin na magpasalamat sa bawat sandali na ating ginagawa.sa bawat segundo na nangyayari sa atin. Una na pinagpapasalamat natin ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na makita ang masaya, malungkot, nakakatakot at napakagandang mundo.ang bawat nangyayari sa atin hanggang sa nagkakaisip na tayo at nakakaranas ng ibat ibang suliranin,pinagpapasalamat parin natin nakakalagpas tayo.at hito patuloy parin ang buhay.
At ang totoo, sa dami dami.ng nangyayari sa buhay, sa lipunan o sa mundong ating kinalalagyan.halos hindi na natin mabilang bilang.sa ating sambahayan na ligtas parin, sa nangyayari ngayon ang sakit na nakakahawa at walang kasiguraduhan kung mabubuhay kapa. Bagamat, narito pa tayo patuloy na lumalaban. Ang lahat ng mga nangyayari sa atin huwag natin kalimutan magpasalamat sa maykapal sa mga biyaya at pag iingat sa atin at sa ating boung pamilya.ang magpasalamat sa maykapal.ay hindi iyon kabayran sa lahat ng kabutihan niya sa atin.iyan ay tungkulin natin bilang tayo ay nilalang.dahil kahit anu pa man sa atin, pagkat kahit buhay natin ay kulang na kulang na kabayaran.magpasalamat ay bahagi na sa ating buhay..
Maraming salamat at ingat tayong lahat❤❤
lagi tayo mag papasalamat sa poong maykapal, maging positibo sa araw-araw. Ang sarap mamuhay ng walang pagiimbot at may kaaway. Salamat sa pagbibigay mo ng inspirasyon