Gandang gabi sa ating lahat! Maulan na gabi, ingat tayong lagi.
sa buhay ng bawat isa sa atin, marami tayong kinahaharap na pagsubok, iba-iba nga lang ang mukha. bagaman ay pagsubok parin, may iba nagtatanung bakit ang bigat ng pinagdadaanan nila may iba na sadyang hindi na talaga kaya.minsan pinagdadaanan talaga natin iyon, upang makita kung gaano ba tayo katatag o kalakas.nilay-nilayin natin ang ating sarili bakit tayo dumadaan sa ganun.anu bang mga salita o gawa natin na hindi kaaya aya, na para bagang ang bigat ng binibigay sa atin.isa lang iyan, huwag tayong makakalimot na lumapit sa diyos at humingi ng lakas, tatag at pagtitiis.anu pa man hindi naman tayo matitiis ng diyos kung ang paghingi ng tawad at lakas ay boung puso hindi iyong sinambit lang ng bibig..hindi nalang natin namamalayan, ang kinahaharap nating pinagdadaanan natpos na..minsan, uupo nalang tayo at magninilay nilay tayo sa bawat pinagdaanan natin, matatawa nalng sa sarili at masasabi hindi pla mabigat iyon.pinapatatag lang pla tayo, dahil hindi pa iyon ang pinakamabigat.dahil habang tayo ay nabubuhay, kaakibat pa natin ang lungkot at saya.
Kaya, kung anu man ang lungkot at saya sa ating buhay, tanggapin natin at sabihing kaya ko ito!may diyos akong aagapay sa akin.hindi ak magpapadaig.
Lalo na sa panahon natin ngayon, magpakatatag at huwag mapanghinaan.
maraming salamat at ingat tayong palagi..