Magbalik-tanaw

4 21
Avatar for Ailjhe
Written by
3 years ago

Daigdig ng gusot,saan na patungo?nasadlak sa lusak,nilamon ng gulo; nabalot ng dilim,tao'y naging lilo, saksakan sa likod,karaniwang takbo!

Ang budhi umiitim,nagbabad sa sala, paraan ng buhay,binulag sa sama! Pinatay ng nasa,pag ibig sa kapwa tampok ng ugali pakikidigma!

Nagkaluray-luray ang kapayapaan, Sa pagkagahamn sa kapangyarihan! Ang tibok sa dibdib ay di na sa puso kundi ng taginting at kinang ng piso!

Lumipas na taon ating pagbalikan: Mga ginawa ba'y nasa katuwiran? Pagsamba ba ay batay sa katotohanan O akay ng bulag sa kapahamakan?

Oh, sangkatauhan,abutin ang kamay Ng mahabaging diyos na pakikiramay sa handang talikdan,landas ng pagsuway,tahakin ang daang patungo sa buhay.

Sana ay nagustuhan niyo..maraming salamat..muli paalala laging mag ingat!

... ❤ AILJHE❤ ......

4
$ 0.00
Sponsors of Ailjhe
empty
empty
empty

Comments

Malalim.. matalinhaga.. good job.. keep it up

$ 0.00
3 years ago

Salamat...💕

$ 0.00
3 years ago

I am not well verse in tagalog but I think you speaking of our society today. Full greed, bad influence, hatred and chaos. Let us pray for healing.

$ 0.00
3 years ago

Yes sis...thanks...

$ 0.00
3 years ago