Muli magbabahagi ako isa sa mga pagkain sa amin na mayroon din naman sa inyo.
Kinilaw na isda isa ito sa mga laging kinakain sa amin.lalo na at ang kabuhayan ng tao sa amin ay mangingisda.masarap na ulam o masarap na pulutan.lalo na pag ang isda ay sariwa.at ito ay ibabahagi ko sa inyo paano siya gawin.
*Mga sangkap;
1)sariwang isda(tamban)
2)gata ng niyog at sili
3)dahon ng sibuyas at sibuyas
4)kalamansi at kamatis
5)Luya at suka
*Paano gawin;
1) ang isda hugasan at tanggalan ng tinik pagkatpos lagyan ng kunting suka at kalamansi.ibabad siya ng mga 5 minuto para mawala iyong lansa ng isda.pagkatpos ng 5 minuto pigain at tanggalin ang suka at kalamansi.
2)mag gayat ng sibuyas,kamatis,luya,kalamansi,dahon ng sibuyas at sili.
3)ang isda at mga ginayat na sangkap ay pagsamasamahin sa isang bowl at lagyan ng gata ng niyog.
4)ihanda na at ibahagi din sa iba.
Yan ang ating ulam sa araw na ito.at muli paalala ingat palagi..❤❤
Wow kinilaw na isda :) woah sarap, nakakatakam lalo na po kapag fresh na fresh yung isda galing dagat. Hehe sobrang tagal na nung huling beses na nakatikim ako ng kinilaw na isda at nakakamis na talaga ang lasa, ansarap lang kasi talaga eh. Sigurado sa susunod kpag nakauwe ako sa palawan hindi mawawala yang kinilaw na isda sa lamesa namin. Sarap hehe.. Thank you sa pag share.