Musta po?ok paba ang araw natin?basta lagi lang tayong mag iingat at huwag kalimutan manalangin.
Ang buhay ng tao hindi maipinta hindi malaman kung anu ang tama at mali.para bagang bola na bilog at parang mundo, na sabi pa nga nila ay bilog.ang bawat araw oras minuto na nangyayari ni hindi malaman kung mapapagtagumapayan paba o hindi na.mga pagsubok, balakid, hirap na nababatid ng tao minsan suko na.mga kasamaan , sakuna,kalamidad o mga sakit na hindi inaasahan na siyang dulot ng panghihina at kawalan ng pag asa, gawa ba ng diyos o gawa ng tao?kaya bang paghandaan ng tao ang nangyayari sa paligid o buhay niya?sana..
Sabi nga nila Ang buhay ng tao nagmula sa alabok at babalik din tayo sa alabok ng hindi natin nalalaman kung kailan.dulot ng gulo sa isipan ng tao nagiging sanhi ng kawalan ng lakas o panghihina.maaari bang mabago?sana..para magkaroon ng katahimikan sa sarili.magkaroon ng pagsisisyasat sa sarili kung may hindi nauunawa.huwag padalos dalos gumawa ng alam mong hindi tama.magkaroon ng kuntento sa sarili para hindi maligaw sa kasamaan.pagiging handa sa sarili, ay mag tiwala tayo sa mgagawa ng nasa taas.anuman ang mangyari sa buhay, iyan ay kapalaran natin.
Salamat sa inyo, at mag iingat tayong palagi.
salamat po sa pagbibigay lakas ng loob kung minsan nga talaga ang hirap mabuhay sa mundong ibabaw need mo na lang talaga magpakatatag at magtiwala sa Diyos na mahabagin lalo na sa sitwasyon natin ngayon. Salamat po.