Kaunting kaalaman lang mga paps!

0 7
Avatar for Aey1990
4 years ago

Kaunting trivia muna tayo. Alam niyo ba na hindi naman kailangan na sundan ng misis ang apelyido ng kanyang mister? Sa katunayan ay binibigyan ng batas ng karapatan ang babae na mamili ng pangalang kanyang nais.

Ayon sa Supreme Court sa kaso ng Yasin vs. Honorable Judge Shari’a District Court, ang isang kasal na babae ay maaring i-retain o mapanatili ang kanyang pangdalagang pangalan. Puwede rin na ang isang misis ay mamili sa tatlong nabanggit sa Article 370 ng New Civil Code (NCC).

Q: Ano ba ang nasa Article 370 ng NCC?

A: Ayon sa Article 370 ng NCC,

“A married woman may use:

(1) Her maiden first name and surname and add her husband’s surname, or

(2) Her maiden first name and her husband’s surname, or

(3) Her husband’s full name, but prefixing a word indicating that she is his wife, such as ‘Mrs.’ ”

Q: Maari niyo po ba itong ipaliwanag pa?

A: Para maging mas malinaw ay gawin nating halimbawa si Layla Lagman na ikinasal kay Bruno Banderas. [mga hindi totoong tao]

Ayon sa Supreme Court, si Layla ay maaring mamili sa mga sumusunod na pangalan pagkatapos ng kanilang kasal:

1.Layla Lagman - buong pangalan nya nung

sya’y dalaga

2.Layla Lagman-Banderas – buong pangalan

nya nung sya’y dalaga ngunit nakadagdag ang

apelyido ng asawa

3.Layla Banderas – first name niya at apelyido

ng asawa

4.Mrs. Bruno Banderas – buong pangalan ng

kanyang asawa ngunit may “Mrs.” sa simula

Q: Bakit pinapayagan ng batas at ng korte na panatilihin ng isang babae ang kanyang pangalan noong sya’y dalaga?

A: Paliwanag ng Supreme Court, sa isang kasal ay hindi naman pangalan ang napapalitan kundi ang civil status. Dagdag pa rito, ang pagpapanatili ng pangalan ng isang babae ay sang-ayon daw sa prinsipyo na ang apelyido ay indikasyon ng angkan o salinlahi.

2
$ 0.00
Sponsors of Aey1990
empty
empty
empty
Avatar for Aey1990
4 years ago

Comments