Ano nga ba ang iyong nalalaman tungkol sa lugar na pinagtayuan ng inyong tahanan? sapat ba ang iyong kaalaman?. Marami sa atin ang naninirahan lamang sa isang paupahan, kung may sarili mang tahanan ito ay nabili lang natin. Di natin lubusang alam kung ano nga ba ang kwento kwento sa mga tahanang ito.
Kadalasan ay magugulat ka nalang kapag may nadiskubre kang bagay at kung ano man, sa tuwing ipapa renovate mo na lamang ito.
Ito nga ang naranasan ni Ericka Karner mula sa California, United States, ng may na diskubre silang di kapani-paniwalang bagay sa kanilang nirenovate na bahay.
Ayon sa isang artikulo ng rachfeed, gusto ni Karner na ma ipa-renovate ang kanilang bahay sa San Francisco, kaya ay kumuha siya ng iilang mga tao para simulan ang trabaho. Subalit, nagulat at napatigil sa pagtatrabaho ang kanilang mga construction workers ng may na diskubre sila sa bahay ni Ericka. Habang sila ay naghuhukay sa konkretong sahig , may nakita silang maliit na kaba0ng.
Sa loob ng nasabing kaba0ng ay may laman na katawan ng isang sanggol. Sa umpisa ay laking gulat ng may ari ng bahay at pati na rin ang mga taong naghukay dahil sa kanilang na diskubre. Simula ng tumira si Ericka sa bahay ay di niya alam na may batang nakalibing sa kanyang tahanan. Subalit ang estorya ng nakaraan ay siya talagang maging sagot sa malaking katanungan patungkol sa misteryosong bata.
Ayon sa NTD Television, ang pagkakilanlan sa bata ay nananatiling misteryo, kaya pinangalanan siyang si “Miranda”. Pagkatapos ng ilang taong pagsusuri sa mga lumang records mga taong 1800s, sa wakas ay nagkaroon na sila ng linaw at sagot sa isang misteryong kaganapan.
Ang isang Non-profit organization na tinatawag na Garden of Innocence ay kinilala ang katawan ng bata na kay Edith Howard Cook, na nasa 2 taong gulang at 10 buwan pa lamang noong pumanaw ito, ayon sa medical records, si Edith ay unang anak ng mayamang mag-asawa na nasawi dahil sa severe malnourishment noong Oktubre 13, 1876.
Nakilala ang katawan ni Edith sa pamamagitan ng isinagawang DNA test. Pero bakit nga ba nasa bahay ni Ericka ang kanyang yumaong katawan?
Noong nakalipas na mga panahon, ang lupa na tinitirikan ng bahay ni Ericka ay isa palang Odd Fellows Cemetery. Taong 1930, ang mga katawan doon ay inilipat pero hindi nakita ang kaba0ng ni Edith kaya hindi ito nasama sa nailipat.
Yan pala ang naging dahilan kung bakit natagpuan ang kaba0ng ng batang si Editha. Kaya bawat isa sa atin ay may mga kwento ng ating mga tahanan. Alam mo na ba ang tungkol sa tahanan nyo? baka may madiskubre kayo kung hindi man misteryo ay baka kayamaman.:)