Ayon na naman kay DJ LOONYO ay masama raw ang pagsuot ng Face Mask.

0 11
Avatar for Aey1990
3 years ago

Mapanganib ba ang pagsusuot ng protective face mask dangerous at katulad pa ito ng paglanghap sa inyong utot, gaya ng sinabi ni DJ Loonyo?

Ito ay Bahagyang Mali, ayon sa ilang fact-checkers at sources mula sa #CoronaVirusFacts Alliance Database.

Nagbabalik si DJ Loonyo sa Fact Check Philippines nang mapansin ng netizens ang isa na namang kaduda-dudang pahayag ng dancer at social media personality.

Sa kanyang bagong pahayag, sinabi ni Loonyo na delikado ang pagsusuot ng mask at ito’y katuad ng paglanghap ng inyong sariling utot. Nagbigay rin siya ng payo na hubarin ang mask paminsan-misan para makalanghap ng "oxygenated" na hangin mula sa mga halaman.

Ang mga ganitong pahayag, kapag walang tamang konteksto at pinag-uugatan, ay maaaring makapanlinlang at posibleng mapanganib sa mga taong walang sapat na kaalaman na maaaring gumawa nito.

Hindi, ang inyong inilalabas na hininga ay hindi katulad ng inyong utot pagdating sa komposisyon nito.

Hindi rin mapanganib sa sinuman ang magsuot ng face masks, dahil ang inyong surgical o cloth mask ay dinisenyo para makahinga nang tama ang magsusuot nito. Oo, maiipon ng carbon dioxide o CO2 ngunit kaya ng sinuman ang dami nito. Lumalanghap rin tayo ng kaunting CO2 sa normal nating paghinga.

Para mangyari ang hypercapnia at hypoxia, kailangan ng sobrang taas na konsentrasyon ng CO2. Mapanganib ang sobrang daming CO2 ngunit para mangyari ito, dapat ay nakadikit nang buo sa inyong balat ang mask sa lahat ng oras na siyang pipigil sa inyong paghinga.

Natuklasan sa isang pag-aaral noong 2006 na ng mga health worker sa panahon ng SARS Epidemic noong 2003 ay nagsuot ng N95 masks sa mahabang panahon na walang pahinga. Ang madalas na sintomas na kanilang pinakita ay pagsakit ng ulo. Bumuo ng bagong protocols upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari kung saan pinayagan na silang magpahinga kahit sandali.

Ang N-95 ay iba sa karaniwang surgical o cloth masks pagdating sa kakayahang huminga. Mas mahirap huminga sa N95, kumpara sa surgical mask.

Iba rin ang non-frontliners sa frontliners pagdatin sa haba ng panahon ng pagsusuot ng mask.

Hindi mapanganib ang pagsusuot ng face mask at ito’y inirerekomenda, ayon sa US Center for Disease Control.

1
$ 0.00
Sponsors of Aey1990
empty
empty
empty
Avatar for Aey1990
3 years ago

Comments