Time will heal the Pain

1 14
Avatar for Adrielle1214
1 year ago

June 18, 2022

Isang mapagpalang araw sa lahat! Tagalog muna ako guys medyo out of coverage na kasi ung utak ko, bka madrain masyado, eh nag-eenglish spokening pa naman si Adrielle, need ko maturuan dahil bka nasa kanya ang susi ng pagyaman namin(charoozzz), pero honestly speaking nagtry tlga mag-english si Adrielle kahit ndi ko sya tinuturuan, yun bang nag-eeffort sya to construct her own sentences with tagalog and english combination para lng maideliver nya ung gusto nyang sabhn, at nakakatuwa naman pakinggan dahil no need to force her dahil kusa na nyang ginagawa, malay nyo maging atenista ito paglaki(bwahahahahha).

==

Last December 2021, about a week before Christmas nagkagulo ung family pinsan ni partner kasinung bunsong anak nila is sumama sa boyfriend nito pero may asawa na ito(pero ndi kasal) then sinama ang mga bata, walang nakaalam kung saan ung bahay kaya ndi nakuha kahit mga bata, umabot ang pasko at new year ndi tlaga sila umuwi, then nag-aaway sila thru social media kasi nga about sa pagpunta ni Ate girl sa bahay ng boyfie at sinama pang mga bata. Then after new year dahil magpapasukan na umuwi na sila, pero walang nangyari nagkaayos ayos sila, lalo na ung mag-asawa at pati mga kapatid, parang lalo pa ngang gumulo. Pero ung babae naman is umuwi na sa bahay kasama mga bata pero dun sya natutulog sa parents nya, ayaw nya na talaga dun sa asawa nya, kaya ganun naging set-up, then pareho sila nagwowork kaya ang mga bata ay pinaalagaan sa asawa ng kuya nila binabayaran na lng monthly.

Lumipas ang mga buwan, ganun lng set-up nila, hanggang dumating itong month ng June, ndi ko alam na ok na sila. June 15 ng gabi nanaginip ako na bati na daw ung mag-Ate, wala akong napagkwentuhang iba kundi si Partner then nawala din sa isip kong banggitin dun sa pinsan ni partner kasi nga nabusy kami nagkumpilan then may problema sila.

June 15, nagyaya sila dapat uminom nung pahapon konting celebration para sa kumpil ng bata kaso naglaba ako at napagod ako kaya ndi natuloy.

June 16 habang nakahiga kami ni Adrielle chinat ako na pumunta daw ako sa bahay nila para mag-inom kaso tulog pa si Adrielle sabi ko pagkagising na lng. The. Around 4pm na yta kami nakapunta then magsisimula pa lng sila uminom pero nagvideoke na sila. Then itong bunsong kapatid tinawag Ate nya at may sinabi about sa motor, so sa isip ko nagtataka ako bakit tinawag eh ng bunso ang Ate nya, then nung magsisimula na kaming uminom, pinatawag naman ng Ate ung bunso at ng mabalasa daw at matalupan, then sabi naman ng bunso ay magluluto lng daw ng ulam. So ako deep inside ng isip ko masaya ako for them dahil finally about half year eh nagkabati na sila, tho medyo may konting wall pa sa pagitan pero alam ko magiging normal din ang lahat s mga susunod na araw.

Then ng nag-iinom na kami dumating na ang bunsong kapatid taz ung magkakaharap kami kantahan tagay ng konti at tawanan.

Nung pauwi na kami ng hipag nila, naitanong ko kung kailan nagkabati ung dalawa at sabi eh nung isang araw lng daw, ung bunso daw ang unang kumausap sa Ate nito dahil may ipapakisuyong ipabili at dun nga nagsimula na silang mag-usap. Sabi ko napanaginipan ko lng sila na ok na,totoo pala panaginip ko:)

==

Ang saya lng sa pakiramdam na makita sila na bati na, dahil ang tagal din ng 6months na halos parinigan, away at gulo nila, na kahit ung mismong magulang ay ndi na sila masaway, pero ngaun finally natapos na din at sana nga ay magtuloy tuloy na ang pagiging masaya uli ng pamilya nila.

==

Minsan talaga hindi natin kailangang madaliin ang lahat lalo at may mga nasaktan tayong tao dahil minsan panahon ang kusang naghihilom nito, at minsan need din natin magsakripisyo or ibaba ang ating mga pride para sa ikakatahimik ng bawat isip natin, kahit pa alam natin na wala tayong kasalanan pero kung un ang magbibigay ng peace of mind sa atin at sa family natin gawin natin,dahil ndi naman nadadala ang pride sa kabilang buhay, pero ung memories mo with your family maglalast yan forever.

Thats all for today!

To all my sponsors thank you so much for staying on my block, I know there are some issues before about sponsorship before but still you choose to stay, so I am forever grateful to all of you. May God bless you more

4
$ 1.14
$ 1.13 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @gertu13
Sponsors of Adrielle1214
empty
empty
empty
Avatar for Adrielle1214
1 year ago

Comments

Minsan oras talaga yung kailangan natin para magheal at makapagpatawad.

$ 0.00
1 year ago