Naniniwala po ba kayo sa sinasabi nilang taga sundo, or yung tipong mga tao or kaluluwa na nakikita ng mga taong nag-aagaw buhay or nsa bingit ng kamatayan.
Ako po bata pa lang naniniwala na ako dito sa ganitong usapin, dahil nung bata pa lang ako naririnig ko na ito at nangyari mismo sa nanay ko, ganito kasi yun,
Nung bata pa lang ako mga elementary days, may dinaramdam ang nanay ko, nung una akala nila normal na menstruation lng, pero ilang ang araw na ang nakalipas hindi pa din tumitigil ung pagdurugo nya, kaya tumawag po ng maghihilot ang tatay ko, alam naman po natin na sa probinsya ay hindi uso ung hospital agad at isa pa yung kahirapan ng buhay kaya maghihilot muna ang tinawag ng tatay ko, taz mga kapitbahay namin nsa bahay na, kasi nga kinakausap at pinapalakas nila ang loob ng nanay ko kasi takot din po sya sa dugo, at yun nga po habang hinihilot sya at parang nawalan sya ng malay ang tagal, kaya natakot na yung mga kapitbahay namin, dapat itatakbo na sya sa hospital ng bigla po syang nagkamalay, tapos ang una nyang hinanap ay kaming mga anak nya, hindi nya alintana kung anong nangyari basta pinatawag nya kami lahat, ay nung time na yun nasa kalsada kami at kabilugan ng buwan kaya larong laro kami pati mga kapitbahay namin at wala din kaming alam sa nangyayari sa nanay ko, then nung andun na nga po sa loob ng bahay niyakap agad kami ng nanay ko, sobrang higpit ng mga yakap nya sa amin, taz pagkatapos tinanong sya ng mga kapitbahay namin kung ano daw ba ang nangyari nung nawalan sya ng malay, taz yun nga po kinuwento nya na nasa malayong lugar daw sya puro puti daw ang kapaligiran, cge lang daw ang lakad nya ng may nakita syang pamilyar na mukha at nung malapit na sya dun sa tao, nakilala nya ito, yun pala ung nanay nya at ganito ang sabi sa kanya, TARA SUMAMA KA NA SA AKIN PAGOD KA NA AT HIRAP NA HIRAP DUN KA NA SA AKIN PARA HINDI KA NA MAHIRAPAN taz inabot daw po ung kamay nya, kaya sumama na sya at sabay silang naglakad, then habang naglalakad daw po sila may mga nakita syang laruan, taz bigla nya daw po naalala kaming mga anak nya kaya ang ginawa nya daw po bumitaw sya sa kamay ng nanay nya at sinabi nya sa nanay nya KAWAWA NAMAN MGA ANAK KO KAPAG SUMAMA AKO SAYO, pero pinilit pa din daw sya ng nanay nya na sumama na at naawa na daw na nakikita syang nahihirapan, pero mas nanaig daw po yung awa nya kapag iniwanan nya kaming mga anak nya lalo na at mga bata pa kami, kaya ayun daw po tuluyan ng lumakad mag-isa yung nanay nya palayo at sya din daw lumakad pabalik kng saan sya naglalakad bago nya nakita ang nanay nya.
Then after nga po nung pangyayari na yun, nahilot sya at unti unti naman tumigil ang pagdurugo nya hanggang sa tuluyan na po syang gumaling
Then yung isa naman po ay about sa tatay ko, kasi nga dun talaga sa lugar namin may balita dun na may aswang daw or yung mga nagbabantay sa kaluluwa nung taong maysakit, at ganito nga po ang nagyari at ang nakasaksi naman ay yung kapitbahay namin na Iglesia, alam ko sa Iglesia hindi sila masyado naniniwala sa mga ganung bagay(opinion ko lng po ha, not so sure)
Nung tanghaling tapat daw po, bago namatay ang tatay ko, nakita nung bata dun sa kapitbahay namin na may isang malaking lalaki na pabalik balik sa may harapan ng bahay namin, at minsan tumitigil pa sya sa mismong harapan ng bahay namin at nakatingin sa loob, pero wla syang sinasabi at wla din nagtatanong sa knya dahil iba nga pakiramdam sa knya ng mga tao lalo at ung tatay ko halos nag-aagaw buhay na kumbaga nawawala na ung ulirat nya taz ang tagal bago bumalik kasi nga hinihintay nya pa kami kaso hindi pa nga kami makauwi nung time na yun at may work pa ako at ung mg kapatid kng maliliit ay nsa pasig pa. Itong malaking lalaki ay nakatingin lng sa bahay namin, ndi nya malapitan ang tatay ko kasi laging nakabantay yung gf ng kapatid ko, dahil yun din po ang sabi ng matatanda na kapag nag-aagaw buhay na at walang katabi ninanakaw daw po ung kaluluwa ng patay, kaya buti nga po ng time na yun talagang hindi din umalis sa tabi ng tatay ko girlfriend ng kapatid ko kahit kinikilabutan sila dun sa malaking lalaki na pabalik balik sa may bahay namin, ayun hanggang sa namatay nga po ung tatay ko at nakaburol, ndi sya nawalan ng tao sa tabi nya dahil pede pa din daw manakaw ung kaluluwa nya dahil andun pa rin daw ung kaluluwa ng tatay sa paligid namin at baka bigla uling dumaan ung malaking lalaki na nagsusundo sa kaluluwa nya.
Kaya kung mapapansin nyo po kapag may nakaburol hindi ito nawawalan ng tao sa tabi nito.
Authors thought
Hindi ko po alam if maniniwala kayo, pero ito po ay hango sa totoong kuwento, pero syempre alam naman po natin sa mga sarili natin na may sari-sarili tayong paniniwala kaya malaya po kayo na husgahan o punahin at magkomento sa artikulo kong ito. Ito ay nais ko lamang ibahagi sa inyo, pede din naman po kayong magbahagi ng sarili nyong karanasan na naayon or mas higit pa dito.
Walang masama kung maniniwala at wala din naman masama kung may iba tayong paniniwala dahil tayo ay nasa demokratikong lipunan.
Thanks to my sponsor, and other blogger that gives me inspiration to give myself a try in blogging through read cash
Thank you, enjoy and Spread love!
®anniemarie ®
2021.09.06
I didn't understand your language. Okay later i would try to convert into English then i would make a compliment. By the way best of luck