Unti-unting Paglimot

2 15
Avatar for Ace97
Written by
3 years ago

Ako'y sobrang nasaktan sa iyong ginawa

Di ko inaasahan na ito'y iyong magagawa

Kakaisip ng paulit ulit ay nakakasawa

Kaya dinadaan nalang sa tawa

Ang pangyayaring ito'y di ko inaasahan

Akala ko'y ito ay wala ng hanggan

Pagka't mga pangako mo'y pinakinggan

Mga mensaheng mga nakakabighani ang laman

Sa paglipas ng panahon aking napansin

Mga pangako mo ay lilipas din

Relasyon ay di na kayang pagtibayin

Sapagkat mga salita ay d rin nmn gagawin

Ngayon ikay unti unti ko ng lilimutin

Marami mn akong nais sabihin

Ngunit ito'y idadaanan ko na lng sa panalangin

Upang wala n akong iintindihin.

Kung nasaan ka mn ngayon nawa'y ikaw ay masaya

Upang parehas na tayong maging malaya

At madama na ang tunay na saya

Sa totoong taong magbibigay ng ligaya.

5
$ 0.00

Comments

Pains are part of our lives. Masakit man, kakayanin natin yan. Mali man yung minahal natin, hinhanda lang tayo ni Lord sa para satin πŸ™‚ that's a great poem u have there ☺️ so makata πŸ’•

$ 0.00
3 years ago

Marami salamat sa pag appreciate.😊

$ 0.00
3 years ago