Manhid ka ba?

4 19
Avatar for Ace97
Written by
3 years ago

Manhid ka ba?

Sana naman minsan marunong kang makiramdam

Kung nakikita mo sanang may ginagawa wag ka nang makialam

Upang trabaho ay matapos agad

Sa kakwekwento mo’y walang nasisimulan

Nakakahiya mang ika’y hindi pakinggan

Bawat kwento mo’y di ko maintindihan

Sapagkat aking trabaho ay pinagtutunan

Upang may matapos man lamang.

Di ko alam kung paano kita tatalikuran

Hindi pag-imik ba ang kailangan?

Upang ika’y makaramdam

O kaya’y ikaw ay aking pagsabihan.

Sana maisip mo din yun minsan

Na tayo'y lahat may pinagkakaabalahan

Na kailangan matapos ng maayos

Upang lahat ay mairaos.

8
$ 0.00

Comments

It would have been much better to write in English

$ 0.00
3 years ago

I'll try it next time😊

$ 0.00
3 years ago

Nice article Keep it up☺

$ 0.00
3 years ago

Thank you so much.Do you understand Filipino words?

$ 0.00
3 years ago