"Laban! Kahit Nahihirapan"

2 24
Avatar for Ace97
Written by
3 years ago

Kung naiisip mo ng sumuko

Tiyak hindi ka mananalo

Buhay ay mas gugulo

Di mo alam saan patutungo

Kung tayo ay nahihirapan

Huwag kakalimutan

Tayo ay may makakapitan

Ang Diyos ay laging nandyan

Patuloy lang sa paglaban

Huwag susukuan

Ang pagbusok ay panandalian lamang

Lilipas din yan

Patuloy na manalingin

Sapagkat tayo'y kanyang didinggin

Kanyang mga utos ay sundin

Upang tayo'y pagpalain

Gawing inspirasyon ang pamilya

Sila'y hindi magpapabaya

Magbibigay lagi ng saya

At ipaparamdam ang tunay na pagiging malaya.

Kaya piliin nating lumaban

Kahit na nahihirapan

Pamilya laging nandyan

Tayo ay susuportahan

Dumaan man sa kahit anong laban.

10
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder

Comments

Tama, laging nandyan ang Diyos para tayo ay tulungan...

$ 0.00
3 years ago

Opo.Patuloy lang tayong maniwala at manampalataya.

$ 0.00
3 years ago