Hindi lahat sa atin ay may pagkakataong makapag-aral
Minsan ang iba ay kailangan pang sumugal
Hindi iintindihin mga sagabal
Upang makakamit ng mga parangal.
Maraming handlang para makamit ang tagumpay
Huwag mag-alala marami tayong kaagapay
Ating pamilya ay laging nakaalalay
Upang magandang edukasyon ay makamtang tunay
Huwag isipin ang pinansyal na pangangailangan
Sapagkat iyan ay nasosolusyonan
Maraming mga magagandang paraan
Upang ito ay malampasan
Upang hindi masayang mga pagod ng ating mga magulang
Edukasyon ay ating pahalagahan
Upang sila ay mapasalamatan
Kahit sa maliit na paraan
Mga guro naman ay ating igalang
Sundin lahat ng kanilang pangaral
Dahil ito ay para sa ating kapakanan
Upang magkaroon ng mgandang kinabukasan.
Sa tuwing may mga araling di maintindihan
Ating guro ay maaasahan
Tiyak na tayo’y kanilang tutulungan
Upang magkaroon wastong kaalaman
Kung marami man silang pinagpagawa sa atin
Sila ay kailangan nating intindihin
Para talento natin ay linangin
At mas pagbutihin natin.
Huwag palaging reklamo
Sa mga pinapagawa sayo
HUwag pairalin ang matigas na ulo
Sa halip ay gawin na lang ito.
Laging pakakatandaan
Edukasyon ay walang makakakuha sinoman
Sapagkat ito nakatatak sa ating isipan
Ano man tahakin nating daan.
What are writing your article i cannot understand... 🙁🙁i.read twice... afterall subscribed back dear