"Ang Ating mga Magulang"

8 19
Avatar for Ace97
Written by
3 years ago

Sila’y Biyaya mula sa Maykapal

Kaya’y ating ibigay ang lubos na pagmamahal

Sundin lahat ng kanilang ipinagbabawal

Upang tayo ay kanilang ikarangal.

Palagi silang pasayahin

Pagiging pasaway ay tanggalin

Itatak sa isip kanilang mga bilin

Mga mabubuting asal ay gawin.

Gagawin nila lahat para sa atin

Kahit di na kaya ay pipilitin

Lahat ng hirap ay titiisin

Sapagkat ito ay kanilang kakayanin.

Kaya’t silay laging igalang

Huwag sagutin ng pabalang

Dahil it ay magiging hadlang

Sa pagkakaroon maayos na pagkakaunawaan.

Pag-aaral ng mabuti ang isa sa mga magandang regalo

Lalo na sa nalalapit na pasko

Para silang nanalo sa lotto

Dahil sa ipakikita mong magandang grado.

Magandang tanghali po.Nawa'y inyong magustohan ang tulang aking ginawa.😊

7
$ 0.00

Comments

Mahalin natin ang ating magulang dahil sila and dahilan kung bat ka nabuhay kayan irespeto natin sila at pagsilbihan:)

$ 0.00
3 years ago

Tama po.Patuloy natin silang pahalagahan at mahalin habang tayo ay nabubuhay.Patuloy nating ipadama sa knila ang ating kagalakan na sila ang ating naging mga magulang

$ 0.00
3 years ago