THE CURSE OF THE SCARRED-FACE WOMAN
Disclaimer: No copyright infringement intended. For entertainment purposes only.
At credits po ulit sa mga sites and articles na kinuhanan ko ng info and story.
Warning: Explicit brutal words ahead!⚠️ pasensya na po sa mga kumakain.🙏
Hi! Another urban legend nanaman po mula sa aming rehiyon. I guess marami na sigurong nakakaalam ng storyang ito at may mga nakapagkwento na din ng mga encounters nila dito sa spookify. Pero marami narin kasing bersyon ang kuwento na ito kung kaya't nagresearch ako sa mga iba't ibang artikulo at sites. In fact, ginawan na din ito ng movie noong taong 2015 (pero hindi ko pa napapanood to🥺) Gusto ko lang po na ishare to ulit sa mga hindi pa nakakaalam at gusto paring basahin ang kwentong ito:)
For many years, si Maria Labo ay naging sindak ng mga kabataan at matatanda since 90s and early 2000s. She became infamous na dahilan kung bakit natatakot ang mga bata na lumabas ng bahay pagsapit ng gabi at ikinabahala ng mga magulang noon dito samin. (Batang 90s ako kaya naabutan ko pa to especially elementary days) This is a story of a scarred face woman na tinaguriang full pledge aswang, a Philippine folklore similar to vampires and ghouls of western mythology and about her gruesome crime.
The story:
Ang dalagang si Maria ay maagang nakapag asawa kay Damien at nakatira sila sa isang maliit na baryo sa Visayas. (somewhere in Iloilo or Capiz) Si Damien ay isang pulis habang si Maria naman ay nasa bahay lang at nagaalaga ng dalawa nilang anak na sina Toto at Inday. Pero kahit masaya ang kanilang simpleng pamumuhay, namomroblema parin ang mag asawa dahil kulang parin ang pangtustos sa kanilang pang araw araw na kakailanganin. Kung kaya't napagdesisyunang mag abroad si Maria at nakipagsapalaran siyang maging ofw para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya. (Sa part na to medyo magulo na dahil may conflict sa kada bersyon na ayon sa ibang source, nag ofw siya sa ibang bansa at doon nakuha ang sumpa, ang isa naman nag alaga siya ng matanda sa Maynila at niyanggaw siya nito) Regardless, nagkasakit si Maria sa di malamang dahilan at napagpasyahan niyang umuwi sakanila sa Probinsya na bigo at walang wala.
Labis na ikinatuwa ni Damien ang pagbabalik ng kanyang asawa na si Maria. Naging balik sa normal din ang kanilang pamumuhay at naging kontento si Maria sa kung anong meron sila. Gayun pa man sa kaloob looban ni Maria, alam niyang may mali sakanya kaya itinago niya ang kanyang karamdaman sa pamilya. Lumala ang sakit niya at di malaman kung ano ito. Minsan nagwawala siya na parang baliw at umaabot sa puntong nahihimatay nalang ito bigla. Nag alala si Damien sa kanyang asawa kung kaya't napagdesisyunang ipagamot sana ito. Gayunman nung aalis na sana sila ay bigla nalamang bumabalik sa normal si Maria. Naging abiso iyon sa pamilya na huwag nang ipagamot si Maria. Pero lingid sa kaalaman nila, ang himalang iyon ay umpisa palang ng dagok na mararanasan nila.
Makalipas ang ilang araw, nasindak ang mamamayan sa kanilang baryo dahil sa natagpuang kalunos lunos na katawan ng isang bata. ⚠️May malaking butas ang kaniyang tiyan at ang mga lamang loob nito ay nawarak at nagkagutay gutay na sa labas. ⚠️
Ang balitang ito ang dahilan kung bakit napuno ng pangamba si Damien ng hindi siya sinalubong ng kanyang mga anak pagka uwi nya sa kanilang bahay isang hapon. Nang tinawag niya ang mga anak sa loob nang bahay, nadatnan niya ang kaniyang asawa sa kusina na may tinataga sa chopping board gamit ang pangkatay na kutsilyo nila. Napuno din ng talsik ng dugo ang damit ng asawa dahil sa pagtataga. Tinanong ni Damien ang kaniyang asawa kung nasaan ang mga anak nila pero parang wala itong naririning at pinagpatuloy ang pagluluto.
"Maria naririnig mo ba ako? Asan ang mga anak natin?" Tiningnan lamang siya nito at ngumisi. Binalewala ni Maria ang tanong ni Damien at hinamok na huwag nang hanapin ang mga anak nila at lasapin muna ang hinanda niyang pagkain sa asawa.
"Kumain ka muna, masarap itong inihanda ko para sa iyo.."
nang makaupo na si Damien sa lamesa, iniwan muna siya ni Maria upang makakain ang asawa at parang may tiningnan sa labas.
Pagka alis na pagka alis ni Maria, natuon ang atensyon ni Damien sa narinig nyang mahinang hikbi sa ilalim ng mesa. At doon niya natagpuan ang kalunos lunos na tinagang katawan ng kanyang anak na si Toto na nalagutan din ng hininga. Nakabaluktot ito sa sahig at nakatingin ang mulat na mata sa refrigerator kung kaya't dali daling binuksan iyon ni Damien. Doon napagtanto ni Damien na may mali sa kanyang asawa. ⚠️Puno nang nagsisiksikan na tinadtad na parte ng katawan at lamang loob ng mga bata ang loob ng kanilang ref at nakilala niyang ang isang kamay roon ay pagmamay ari ng anak niyang si Toto.⚠️ Puno ng kaba, dali daling tinignan ni Damien ang duyan ng isa pa nyang anak at nanlamig siya nang madatnang wala din ito doon. Sa matinding galit ni Damien sa kanyang asawa dahil sa kalunos lunos na sinapit ng kanyang mga anak, kumuha ito ng bolo. Hinanap nya si Maria sa labas ng kanilang bahay at nadatnan sa kanilang bakuran. Naka talikod ito sa kanya at nakasaluktot na nakaupo sa lupa na parang may kinakain. Dahan dahang lumingon ito kay Damien at nanlaki ang mata niya ng makitang⚠️ kinakain ni Maria ng lamang loob ng sanggol at iyon ay ang isa nilang anak.⚠️ Nandilim ang paningin ni Damien sa nasaksihan at tinaga niya ang halimaw na asawa ng bolo at nag iwan ng malaking sugat sa mukha ni Maria. Pero sa kasamaang palad, nakatakas padin ang halimaw niyang asawa at hindi na ito nakita pa.
Ayon sa mga sabi sabi, lumilibot parin daw si Maria sa buong Pilipinas para humanap ng mga susunod na bibiktimahin niya at hinahanap ito ng kanyang asawa upang patayin. At simula noon, binansagan na siyang, "Maria Labo" ng mga tao dahil ang ibig sabihin ng ilonggo term na "Labo" dito sa amin ay "to slash" gamit ang itak o kutsilyo. At isa pang rason na binansag sakanya ito ay ang malaking sugat nya sa mukha na resulta ng pag itak sa kanya ni Damien na mas nagpasindak pa sakanyang imahe. A grotesque nightmare.
Bagaman maraming naniniwala sa kwentong ito, may iba din namang hindi. Back then, some sources revealed na haka-haka lamang ang kwento ni Maria Labo at ito ay social experiment lamang para malaman kung gaano kabilis lumaganap ang impormasyon pero nagresulta ng takot sa mga pilipino noon. She became infamous aswang legend na nagtanim ng takot sa mga magulang at kabataan kapag nagpalipas ng gabi sa daan o sa labas. But as what I have read, marami na ang mga kwento na nakaencounter daw nila si Maria Labo and I find these stories interesting enough to believe na maaaring totoo ang urban legend na ito. Pero lumipas ang panahon, her story has been overshadowed by other paranormal stories at naging palaisipan nalamang ito sa mga tao lalo na sa aming taga probinsya. So what do you say readers?
P.s. The illustration of Maria Labo below was made by yours truly:) This is how I visualize Maria Labo according to what I have read about her.
- Ms. Monoke
Plz subscribe dear.I have already subscribed to you🤗🤗