Six Years in HELL
Hi ka-spookify! Jeh again, 4th time ko na magsend ng creepy experience ko, and this time i will share naman my not so creepy experience pero kapupulutan ng aral and hopefully mapansin ulet eto ni admin.. so here it goes:
Wayback year 2014, i fell inlove with my ex-live in partner.. after ko grumaduate sa college we decided na magsama na for work dito sa Manila after a year of being in a relationship ( we're both living in the Province before ) nung unang dalawang buwan is okay naman yung pagsasama namin not until dumating yung ikatlong buwan and doon ko nakita yung tunay na ugali ng aking partner.. nananakit siya and pinagbubuhatan niya ako ng kamay because of 'SELOS' na wala sa lugar and sometimes kahit konting hindi pagkakaunawaan, mahigpit siya sa akin. Nagsama kami ng anim na taon and dumating yung time na kinatakutan ko,
FEBRUARY 2020, Naalala ko nung gabing iyon nagusap kami ng masinsinan, pagkatapos ng bangayan nang bigla siyang nagsalita ng ( POV NAMIN )
Him: May sasabihin ako sa'yo, gusto ko ng malaman mo kasi hindi ko na kayang itago
Me: Anong ibig mong sabihin? ( kinakabahan nako that time )
Him: May anak nako ( umiiyak )
Me: *speechless* ( tinignan ko lang siya habang umiiyak ako at umiiyak siya at nakaluhod, nagsosorry ) π’
Him: Pasensya kana hindi ko nasabi agad, ilang taon ko ding nilihim sa'yo
Me: Paano nangyari yun? okay naman tayo ah, wala naman tayong problema bakit? pano mo ginawa? ( sa sobrang galit ko nasampal ko siya pero niyakap lang niya ako π )
Him: Sorry wala nakong magagawa nandito na yun eh, hindi ko sinasadyang saktan ka
After namin magusap, umalis na siya sa bahay, nawalan kami ng communication, hindi na siya nauwi nun, kahit alam ko na yung nangyari hindi parin ako nalilinawan dahil hindi malinaw sa akin kung paano nangyari lahat ng iyon akala ko isang panaginip lang pero wala ng lahat π
Nagsuffer ako ng sobra, dumating sa point na napapabayaan ko na sarili ko, inom dito, inom doon gabi gabing lasing para makalimot pero paggising ko nandun parin yung sakit, sa sobrang galit ko sa sarili ko hindi nako naniniwala sa Diyos kinukwestyon ko siya kung bakit Niya ginawa sakin to, lahat ng sakit at paghihirap naranasan ko..
Nadepressed ako, and until now dala dala ko parin siya hanggang ngayon.. sa tuwing inaatake ako ng depression, naiisip ko palagi ang pagsu-suicide.
One time, sa sobrang atake ng depression ko umakyat ako sa 4th floor at nagtali ng lubid sa kisame, naglive ako sa fb nagsosorry ako sa pamilya ko kase pakiramdam ko sobrang wala nakong pag asang makamove on sa panibagong buhay, nung time na itatali ko na sa leeg ko yung lubid swerte ko lang dahil may isang taong nagsalba sakin noon, and yun yung lalaking nagpapasaya sakin ngayon. Sobrang hirap man at sakit ang pinagdadaanan ko ngayon, alam ko may plano ang Diyos para saken π
Mahirap kalabanin ang depression lalo na sa panahon ngayon, wala tayong makapitan kundi ang Panginoon.
Alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganitong sakit, kaya para sainyo to matuto parin tayong labanan yung ganitong pakiramdam, yung hirap, alam ko balang araw maiintindihan din natin yung purpose ng Panginoon kung bakit Niya tayo nilagay sa ganitong sitwasyon.
Piliin parin natin maging masaya kahit sa likod ng maskara natin may nakatagong kalungkutan π
totoo nga yung kasabihan, makikilala mo ang isang tao kapag nakasama mo na sa iisang bubong ..
Ps; hindi creepy pero nakakatakot na experience yung labanan mo yung isip at sarili mo para magpakamatay.. lagi lang nating tandaan na ang pagpapakamatay ay hindi sagot sa problema bagkus ang pagtawag sa Panginoon ang susi para tayo'y mabuhay π
- ate mong L
Up