PSYCHIATRIC HOSPITAL
Magandang Gabi Spookify!
Itago niyo na lamang ako sa pangalang chubs, isa po ako sa mga avid fan at silent reader ninyo, sana po magustuhan ninyo ang aking karanasan sa aking pinag OJT-han.
Isa sa mga rotation namin bilang intern ang mag OJT sa isang psychiatric facility/hospital na kinontrata ng school upang magsilbing training ground sa aming mga estudyante pa lamang at magkaroon kami ng sapat na kaalaman at ideya sa papasukin naming field kapag kami ay grumaduate. Ang school namin ay nakakontrata sa isa mga kilalang psychiatric hospital sa NCR ito ay sikat sapagkat naaalagaan ang mga pasyente dito at natuto-tukan sila di gaya sa ibang facility at hospital.
So ayun na nga nangyari, 3 kaming magkaklase ang magkakasama sa nasabing psychiatric facility, unang araw namin ay orientation at nagkaroon na rin kami ng chance na makita ang mga pasyente at makita ang mga ginagawa ng aming kasamang interns galing sa ibang school, sinabi rin ng head namin ang mga hindi dapat gawin, mga hindi dapat sabihin sa pasyente lalo na ang pag iingat dahil maraming beses na di umano nasaksak ng pasyente ang dating interns at ilang mga nagtatrabaho dito dahil sa kapabayaan sa gamit. Mabilis kaming nakapag adjust nila fredo at menggay sa ginagawa sa hospital dahil kaparehas lang naman ito ng ginagawa namin sa ibang mga hospital na pinag ojt-han namin, si fredo at menggay ay ang aking mga kaklase na kasama sa hospital (hindi nila tunay na pangalan). Nung pangatlong linggo namin ay nagkaroon kami ng tyansa na interview-hin ang isa sa mga mga pinaka matagal na pasyente sa hospital, siya ay si ate chai, bago kami magkaroon ng tyansa na interview-hin siya ay binigyan kami ng head namin sa kung anong rason kung bakit siya nasa facility at ano ang mga salitang dapat hindi banggitin sa kanya habang iniinterview siya, at binalaan din kami na bigla biglang nagbabago ang kanyang personalidad. Dumating na ang oras na pinaka hihintay namin, ako ang naatasan sa pagiinterview sa kanyang silid dahil siya ay nasa katinuan pa at kakainom lang ng gamot ni ate chai, samantalang sina fredo at menggay ay taga masid lamang at nagsusulat sa kanilang obserbasyon sa pasyente, since na bawal magdala ng kahit anong panulat ay dapat kong masaulo lahat ng mga tanong ko kay ate chai. Pumasok ako sa kwarto niya at agad naman ako ngumiti at binati siya, ang kanyang tugon ay pangkaraniwan lamang, hindi mo aakalain na may sakit sa pagiisip. "Maganda Hapon po Ate Chai." yan ang bungad ko sa kanya, tumungo lang siya habang nakangiti. Kinamusta ko siya kung ano ang pakiramdam niya ngayon ang sabi niya ay ayos naman kaso hindi daw naging maganda ang pakiramdam niya nung pumasok ako, na agad kong ikina-kaba, umabot na sa 3 minuto ang aming paguusap at habang tumatagal ay palakas ng palakas ang kanyang sagot sa mga tanong ko, hindi ko ito pinahalata sa kanya dahil mas lalo silang maglalakas loob na gawin iyon kapag nakaramdam ako ng takot, ngunit ang sumunod na sagot niya ay hindi ko kinaya.. "Ano po ang rason kung bakit kayo nandito sa hospital ate chai?" mahinahon kong tanong habang siya ay nakaupo sa kanyang kama at nakaharap naman ako sa kanya at nakaupo sa monobloc chair, "Dahil sa kanya.." sabay turo kay menggay na nasa labas lamang at nagmamasid sa amin at agad naman akong lumingon sa likod para kumpirmahin kung sino ang itinuro niya na alam ko'y isa sa mga aking pinagsisihan na desisyon ko sa aking buhay, pagtalikod ko kay menggay at fredo ay tila nakapikit sila na di umano'y takot na takot sa nakita nila, unti unti akong lumingon kay ate chai, nasaksihan ko si ate chai na halos nakadikit na sa mukha ko ang mukha niya, nanlalaki ang mga mata, buhaghag ang buhok at nakangisi. Takot na takot ako sa aking nakita, na aking ikinatumba sa aking upuan, nag-ala boses lalaki si ate chai at nagsambit ng mga salitang latin. Umatras ako ng paunti unti habang naka upo sa sahig at nakakuha ng tyempo na makatayo habang tinitignan ko siya ay nakikita kong naglalaway siya, bago ko man mahawkan ang doorknob agad niyang sinabi ng pasigaw na "LUMAYAS KA DITO MAHINA KANG NILALANG!" halos mawasak ang dibdib ko sa lakas ng boses niya na naghahalong lalaki at babae. Agad naman akong nakalabas ng kanyang silid at dumating ang ibang mga staff ng hospital upang umagapay sa akin. Ng silipin nila sa bintana si ate chai agad naman itong kumaway ng nakangiti sa kanila na tila ba ay walang nangyari, pero ang kinagulat ng lahat ay ang pagkindat niya sa akin na may pag-ngisi na agad ko namang kinahimatay.
Nagising na lamang ako na nakahiga sa puting kama at pinapay-payan na ako ni menggay ng papel na ginamit niya sa pagsulat kanina at si fredo naman ay nakatalikod tila may kausap sa cellphone niya. "Fred! Gising na si chubs!" humarap sa akin si fredo na tila ba'y nabunutan ng tinik, agad naman binanggit ni fredo na "Maam gising na po chubs." at maya maya naman ay dumating ang head at kasama ang supervisor ng dept na kinabibilangan namin sa hospital.
Magaan ang kanilang salubong sa akin, kinamusta nila ang pakiramdam ko na sinagot ko naman ng "Okay na po ako." kahit deep inside e takot na takot pa din ako na halata naman sa mukha ko. Nagtinginan si Sir Ching (supervisor) at Ma'am Go (dept head) na tila ba'y nagbigay hudyat sa kanila para magsimulang magkwento sa pasyente, napagalaman namin na si "Minggo" ang aming nakita kanina ika-6 sa katauhan ni ate chai, na kung saan ito daw ay may kakayahang malaman ang iniisip ng tao at magboses lalaki. Kaming tatlo ay natakot sa narinig namin, dahil si ate chai ay ang aming subject patient (pasyente na kailangan namin pagtuunan ng pansin at alamin ang history niya, at magconduct ng iba't ibang mga test) sa madaling salita kelangan namin matapos ang report sa kanya para kami ay maka graduate.
Ano pa kaya ang ibang katauhan ni ate chai? Yan ang nasa isip namin tatlo..
Maraming salamat po sa pagbabasa nitong aking kwento, sana po ay magustuhan ninyo ang aking karanasan. ITUTULOY KO PO ITO kapag may oras na po ulit ako. Happy reading!
Up