Halik ng Kamatayan, Bunga ng Kataksilan(Part2)

2 4
Avatar for ADPM0811
4 years ago

HALIK NG KAMATAYAN, BUNGA NG KATAKSILAN

Warning: some words are brutal

Sumimasen kung natagalan, 3times ko na itong nire-type dahil laging nabubura for no reason. Maybe she doesn't wants me to share this story—I'm referring to Ferida.

“pa, bakit mo ginawa yun? Bakit mo inako ang kasalanang ginusto ko?” tanong ko kay papa nung mga oras na nag-uusap kami sa inilaang "visiting hours" para sa mga preso. Nangilid ang luha sa mga mata ni papa, bagama't may katigasan ang damdamin ko at malayo ang loob ko sakanya'y nasasaktan ako sa nakikita ko.

“Sa ganitong paraan, hayaan mong ako na ang magdusa para makabawi ako sa aking pagkukulang. Live your life, tuparin mo ang pangarap mo anak" sabi nya sakin.

Handa naman akong pagbayaran ang nagawa ko, pero pinagtakpan nya ito. At ginawa nyang lahat para sakanya masisi ang mga lumabas na ebidensya.

“patawarin mo na si Ferida 'nak, para matahimik narin ang kaluluwa nya. Humingi karin ng tawad sakanya”

“no! She deserves it papa. Hinding-hindi ako magsisisi sa ginawa ko sakanya. Pa, ginago ka nya! Kung sa'yo ok lang, sa akin hindi” mahina pero mariin kong sagot kay papa, looking directly at his eyes. Napayuko nalang sya.

Alam ko ang ginawa ko, at hindi ko pinagsisisihan yun. Dahil ginawa ko lang, ang sa tingin ko'y nararapat na hakbang.

“hey?” bumalik ako sa realidad matapos kong marinig ang boses nya. 'Di ko namalayang natulala nanaman pala ako habang inaalala ang mga huling pag-uusap namin ni papa, bago pa s'ya namatay sa kulungan.

“are you okay?” malambing nyang tanong. I gave him a fake smile kasabay ng pagtango.

“com'on tell me what's wrong. Masyado ba kitang pinagod hon?” natawa lang ako sa sinabi nya. Inilapit nya sa akin ang kanyang sarili at isiniksik sa balikat ko ang kanyang ulo. Inamoy-amoy nya ang buhok ko while touching it at pinaiikot-ikot sa kanyang daliri.

“your hair smells familiar hon. Noon ko pa 'to napapansin” sabi nya na ikinakunot ng noo ko. I gave him a glance na agad nya namang nakuha ang ibig sabihin.

“its not what you think. Hindi pa ako nagkakaroon ng ex na ganito ang amoy ng buhok” depensa nya. Hindi na ako nakipagtalo dahil masyado na akong maraming iniisip.

“its not yet dawn, matulog na tayo ulit” sabi ko, at inunan ko ang braso nya. He hugged and kissed me sa noo.

He's Liam(not a real name), my live-in partner. Filipino sya at same kame ng trabaho dito sa Europe.

Nagising ako bigla ng 3am. Mahimbing na ang tulog ni Liam sa tabi ko, maya-maya pa'y nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa banyo.

Sa una'y mahina hanggang sa palakas na ng palakas ang hagulhol ng isang babae. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahang binuksan kasabay ng pag-on ko ng ilaw. Nag-eecho ang pag-iyak ng babae sa loob, napakalamig ng kanyang boses at puno ng panaghoy. Hanggang sa bigla itong huminto.

Alam kong s'ya yun, alam kong naririto nanaman ang babaeng yun.

Napansin kong gumagalaw ang shower curtain, at may pigura ng tao rin akong naaaninag. Dinig ko ang pagtampisaw ng tubig na para bang may naglalaro doon. Buong tapang akong lumapit sabay hawi ng kurtina, at doon na tumambad sa akin si Ferida.

Hawak ang sarili nyang leeg ay dilat na dilat ang kanyang mga mata. Kumikisay-kisay ang kanyang katawan na tila nilababanan ang sarili. Halos lumawit ang kanyang dila sa higpit ng pagkakasakal nya sa sariling leeg. Sabay inilulublob nya sa tubig ang kanyang mukha.

Pinagmasdan ko ito, alam kong isa lang 'to sa mga pananakot nya sa akin. For several years ay nasanay narin ako dahil magpahanggang sa ibang bansa ay sinundan n'ya ako. Tama si papa, hindi matatahimik ang kaluluwa ni Ferida. At gaya ng lagi nyang sinasabi sa akin, hinding-hindi nya ako patatahimikin.

Nakaramdam parin ako ng kaba kahit papano, pero hindi ako nagpadaig sa takot. Muling pinaalala nito sa akin ang nangyare sa nakaraan. Dahil ang nakikita ko ngayon na tila ilusyon, ay ang syang ginawa kong pagpatay kay Ferida noon.

Mabilis na nagplay lahat lahat sa utak ko ang mga naganap. Iniwasan kong wag alalahanin ngunit tila may sariling mekanismo ang utak ko, na 'di makontrol ang pagplay-back ng mga senaryo.

Nagmadali akong umuwi after class dahil may kakaibang kaba akong naramdaman. Pagliko ko palang sa daan papasok sa aming bahay ay may bumunggo sa aking lalaki. Pero pansin ko ang kanyang pagmamadali kaya hindi nya manlang nagawang mag-sorry. Pakiramdam ko'y hindi nya rin ako nakita o napansin dahil di nya manlang ako nagawang lingunin.

Hindi ko sya namukhaan dahil nakayuko ito at nakasuot ng baseball cap.

Pagpasok ko palang sa bahay ay expected ko nang tahimik dahil gabi pa ang oras ng out ni papa sa trabaho. Pero laking gulat ko nang may kumalabog sa ikalawang palapag ng aming bahay. Parang may mabigat na bagay na natumba, tambakan kase doon ng mga lumang gamit.

Nagmadali akong umakyat at nanlaki ang mga mata sa nakita. Tumambad sa akin ang nakatumbang upuan, ang mga paang kumakawag-kawag at nakabitay na katawan.

“pa! Paaa?!” sigaw ko at nagmadaling itinayo ang bangko at inilapat doon ang mga paa ni papa. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pagkataranta.

Kumuha ako ng bagay na maaaring tungtungan, saka ako sumampa at pilit na inalis ang nakataling lubid sa leeg ni papa. Mabuti nalamang at naagapan.

Uubo-ubo si papa nang makababa at habol-hiningang napaupo sa sahig.

“NABABALIW KANA BA? ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!” walang galang kong sigaw sakanya. Napahalukipkip si papa at humagulhol.

Nakikipaghiwalay na pala si Ferida sakanya. Dahil ngayong araw na ito, nahuli nya ring may katalik na iba si Ferida sa sarili nilang kwarto. Samakatuwid ay nakita nya ang lalaki ni Ferida, ngunit hinayaan nya lang itong umalis nang 'di kinokompronta.

Galit at awa ang naramdaman ko kay papa, hindi nya raw kayang mawala si Ferida. Mas gugustuhin nya pang mamatay, kaysa mamuhay nang 'di ito kasama.

Para akong nabingi sa kamartiran ni papa. Nakita ko kung paano sya binulag ng babaeng yun sa mapang-akit nitong itsura. Isang babaeng taglay ang kagandahan ng isang rosas. Nakahahalina sa mata, ngunit sa likod ng angkin nitong ganda, ay ang matatalim na tinik na kung tatangkain mong pitasi'y masasaktan ka.

Si Ferida'y isang rosas at si papa ang nagtangkang pumitas. He dare to endure the pain and is willing to take the risk just to touched the flower.

Halos sumabog ang dibdib ko sa pagkamuhi kay Ferida, at doon nabuo ang maitim kong plano para sakanya.

Napapikit ako nang maramdaman kong kumirot ang aking ulo. Bigla itong sumakit sa pag-alala ng mga nakalipas. Pagmulat ko'y wala na roon sa bathtub ang nagmumultong si Ferida, pero hindi pa nakalilipas ang limang segundo'y may pumatak sa pisngi ko. Isang patak. Nasundan ng ikalawa, hanggang magsunud-sunod na. Noong una'y tubig ngunit kalauna'y naging isang malapot at mapulang likido.

Hindi ako nagdalawang-isip na tumingala, at tama nga ang aking hinala. Naroon sya.

Gaya ng mga napapanood kong hollywood movie, totoo pala ang ganoon. Ang nilalang na taglay ang itsura ni Ferida ay naroon sa kisame. Nakadikit ang mga kamay at paa. Tulad ng dati ay basa parin ang kanyang buhok at bestida. Maputla ang balat, at dilat na dilat ang mga matang nakatingin sa akin. Nakatikom ang kanyang bibig ngunit nadidinig ko ang ang kanyang paghagulhol sa aking magkabilaang tenga.

Tumutulo mula sa nakabuka nyang sugat sa mukha ang sariwang dugo. Palakas ng palakas ang ingay na pumapasok sa aking tenga. Napasinghap ako nang may biglang humawak sa'king balikat.

“hon? What are you looking at?” takang tanong ni Liam at tumingala rin. Tumingin ako ulit sa taas pero wala na sya dun.

“ah wala. May naalala lang ako” sagot ko sakanya at napahawak ako sa'king sintido. Liam and I were in a 2 years relationship, and 1week na kaming nagli live-in. Pero never kong kinuwento sakanya ang past ko. Ayokong malaman nyang murderer ako. Not now, not this time.

“balik na tayo” sabi ko at nauna nang lumabas ng banyo. Pero hinila nya ang kamay ko pabalik sakanya at sinalubong ako ng marahas na mga halik. Binuhat nya ako pabalik sa kama, at nakalimutan ko pansamantala ang masasamang alaala.

Nagising ako nang tumama sa aking mukha ang sinag ng araw, na tumatagos sa glass wall ng kwarto. Pupungas pungas akong bumangon holding the blanket na itinabon ko sa hubad kong katawan. Tiningnan ko si Liam na nakadapa, facing the other side of the bed. Napangiti nalang ako dahil mahal ko ang taong pinag-alayan ko ng sarili ko. Pero napawi ang mga ngiting 'yon nang may mapansin ako.

Binalot ng samu't-saring emosyon ang damdamin ko.

May bigla akong nakita sa peripheral vision ko, may taong tumakbo crossing the room. Mabilis kong iginala ang mga mata ko sa paligid, at nang ibalik ko ang aking tingin sa natutulog kong boyfriend ay hindi ko inasahang makikita ko si papa. Nakaupo s'ya sa tabi ko at magkalapit ang aming mukha. Pinangdidilatan nya ako ng mga mata.

“pa-pa...” tanging nasambit ko dahil ito ang unang beses na nagpakita s'ya sa akin.

Titig na titig sa akin si papa at bigla nyang inilipat ang kanyang nakakikilabot na titig kay Liam.

No, it can't be...

Natulala ako at ramdam kong bumibigat ang aking mga mata sa pagbabadya ng luha. Habang mabilis na nanamang nagplay ang mga pangyayare sa utak ko. Yung araw na yun na nakalimutan ko kung ano ang salitang "kapatawaran", at kung ano ang kahalagahan ng mga katagang "ang pagpatay ay isang kasalanan".

Nang malaman ko ang lahat mula kay papa nung araw na nag-attempt sya ng suicide, ay dali-dali akong bumaba ng hagdan. Dala ang nagdidilim kong paningin, at puno ng pagkasuklam kong damdamin. Dinala ako ng mga paa ko sa kusina, tangan ang nakuha kong kutsilyo'y tinahak ko ang kwarto nila papa.

Pagbukas ko'y naabutan ko si Ferida na walang kamalay-malay sa pagtangkang pagpapakamatay ng papa ko kanina.

Nakaupo sya sa kama at nag-iimpake ng gamit. Mukhang paalis na.

Napasigaw sya nang itaas ko ang patalim at iwinasiwas sa kanyang pagmumukha. Takot na takot s'ya nang maramdamang gumuhit ang talim mula sakanyang noo, pababa sa ilong at kanang pisngi. Hinawakan nya ito at nanginginig ang mga kamay sa takot nang makita ang maraming dugo.

Hindi ko na alam ang iba pang mga eksena dahil pakiramdam ko'y hindi na ako ang nasa katauhan ko. Galit na galit ako noon, hanggang sa kinaladkad ko ang kanyang buhok palabas ng kwarto. Naitulak nya ako at nakatakbo sya sa kusina, bigla akong nakaramdam ng excitement nang habulin ko si Ferida. Hindi nya na alam kung saan pupunta dahil nanlalabo narin ang kanyang paningin dala ng mga dugong kumalat na sakanyang mga mata. Pumasok sya sa banyo at doon na naganap ang lahat.

I know this is quite brutal pero ito ang nangyare back then.

Itinulak ko sya hanggang sa mapaupo si Ferida sa bathtub na tingin ko'y kagagamit lang nila ng kabit nya dahil may mga nakalutang pa roong petals of roses.

Hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ang 17-year old me para maisakatuparan ang lahat. Sinakal ko s'ya at inilulublob sa tubig. I let her go nang tumigil sa pagkampay ang kanyang mga kamay at binawian na sya ng buhay.

Napaupo ako sa gilid while staring at her na nakadilat. Hingal na hingal ako at basa narin ang uniporme kong may mantsa pa ng dugo na nagmula sakanyang tinamo.

Bumukas bigla ang pinto at iniluwa si papa. Takot na takot sya nang makita ang walang buhay nyang si Ferida. I smiled at him saying “naiganti na kita”, at mas natakot pa ang reaksyon ni papa.

“hindi ikaw si Reign” sabi nya sakin na ikinatawa ko.

“sabihin mo sakin kung sino ang kabit ng babaeng ito” tugon ko kay papa. Pero hindi sya sumagot, at hindi ko sya napilit na sabihin sa akin.

Kaya pinakealaman ko ang mga gamit at cellphone ni Ferida. Nabasa kong lahat ng mga convo nila ng kabit nya. At nakakatwang malaman na noong una pa pala nila niloloko si papa. Magkasabwat sila ng lalaki nya na namemera kay papa.

At dahil dun ay tumanim na sa isip ko. Kailangang magbayad rin ang lalaking ito.

Wala akong nakitang picture nung lalaki, pero may isang bagay na nagsilbi,na syang magtuturo at magsasabi.

Ang litrato nila ni Ferida.

Bagamat mukha lamang ng babaeng ito ang nakalantad, dahil ang lalaki nya'y nakatalikod sa kamera. Nakasubsob sa leeg ni Ferida at walang saplot pang-itaas. Ngunit ang umagaw ng atensyon ko'y ang tattoo ng lalaking ito sa ibaba ng kanyang batok.

Its an upsidedown tree. Walang mga dahon, pawang mga patay na sanga lamang ang naroon.

Noong una'y sumumpa ako na pagbabayarin ko rin ang lalaking kasabwat dito. Maybe you know what I mean sa pagkakataong ito.

Dahil ang tattoo na yun na nakita ko, is perfectly the same sa tattoo ni Liam na nasa lower nape din nito.

Ps. content of this story is based from what have had told me by the person who owns the story. Conversations are non-verbatim

Higurashi Kira.

2
$ 0.00
Sponsors of ADPM0811
empty
empty
empty
Avatar for ADPM0811
4 years ago

Comments

Up

$ 0.00
4 years ago

Up

$ 0.00
4 years ago