"Bloody Mary is Real"
Hi ka spookify. 1st time ko mag share dito at real acc kopo ito kya pa hide nlng po admin. Di po ako magaling magdetalye o mgkwento pero susubukan kopo. Na inspired lang ako mag share dahil s mga nababasa ko rito.
Di po talaga sakin ang kwento na to sa kapatid ko po talaga to naikwento niya lang sakin noong nagkaroon kami nang story telling tungkol sa mga paranormal na nararanasan namin.
So ito na nga,
Bago pa lang kami sa manila noon, kami ng kapatid ko, actually andito na family namin sa manila noon. kaming dalawa Lang naiwan sa province at sumunod na nga rito.
Around 2013 or 2014 , uso pa yung Tv 5 kung saan Ang gaganda ng movies at series . May Series na pinapalabas noon ang Tv 5 which is the SUPER NATURAL . Yung bida don name si Dean Winchester at yung kapatid nya.
So ayon may episode silang pinalabas na tungkol kay bloody Mary Kung paano siya pumapatay,namatay at kung paano yung naging buhay nya nung nabubuhay pa ito.. Pinakita don detalyadong detalyado. Itong kapatid ko which Yung kwento nito, Si Chil may pakaabnormal kasi di literal na abno ah ? Yung ano lang mapagbiro yung ginagawang biro ang mga bagay bagay .
Okay balik sa story, itong si Chil habang nanonood kami bigla-bigla na lang magsalita sabi Niya "Sus di naman Yan totoo si Bloody Mary e." Habang tinuturo pa yung Tv gamit yung teddy bear na hawak niya si Chil. Sabi ko naman daw noong mga oras na yun" Pag ikaw talaga aano Ewan ko Lang sayo" (noong kinukwento niya ksi to,diko na maalala ung mga sinbi ko that time) tas sumabat Naman yung isa kong kapatid "Totoo Kaya un te pag ikaw pinuntahan non lagot ka." Pananakot ni Lynn sa kanya, pero di talaga siya na takot sabi niya lang "Sus, kung pupunta man yun dito di un makakapasok agad agaran kasi traffic sa Edsa" natatawa pang sabi niya sakin tapos nagpaalam siya/saming magCr, habang nagccr bigla na lang siyang nag salita sa loob nang "BLOODY MARY BLOODY MARY BLOODY MARY———" ." UYYYY GINAGAWA MO DYAN?" sigaw ko SA kanya kaya di niya naituloy ang pagsabi non. Dapat Kasi 13× mo sasabihin yun. Tapos mabilis siyang naglakad papasok tas nang flip hair pa. Umakyat siya sa taas tapos nag paalam natulog bigla raw Kasi siyang inantok.
Habang natutulog, kwento niya samin may babae daw na nakadagan kanya basag ang mukha duguan at nanglilisik Ang mga mata nakatingin raw to sa kanya tapos may sinsabi " AKALA KO BA DI KA TAKOT A? KALA KO BA DI KATAKOT" Yan ang sinasabi noong babae tapos tumatawa pa habang until unti siyang sinasakal.
Edii Ang ginawa niya sigaw daw siya nang sigaw humihingi daw siya nang tulong kila mama papa samin at kay Lyn na katabi niya. Tapos wala talaga ni isa namin Ang tumulong tapos sabi niya don sa babae " JOKE LANG NAMAN YUN E JOKE LANG TALAGA PROMISE." imagine nyo guys pinapatay kana tapos Lang sasabihin mo Lt 😂 diba ? pati kami tawa ng tawa nong nagkukwento sya. Di ayon balik sa istorya. Patuloy daw ang pag galaw at sipa niya pati si Lyn sinisipa't kurot niya daw di talaga siya pinansin. Tapos bigla na Lang nagbago paligid bigla na lang daw siya napunta sa Cr (Yung Cr namin guys my salamin) so ayon Nasa harap na raw siya nang salamin non tapos unti unti namang lumabas ang babaeng duguan basag Ang mukha at nang lilisik Ang mga Mata . Kumurap kurap pa raw siya non kung totoo ba talaga Ang nangyayari tas biglang nasa malapitan niya na talaga si bloody Mary. Puro tili iyak tili iyak . Tas hingi nang tulong Ang gawa Niya pero Wala talagang nakarinig . Unti na raw siyang nawalan nang hininga nang biglang may kumagat sa hinliliit niya sa paa . As in sobrang sakit daw Kaya napamulat siya natadyakan niya pa yung pusa na kumagat sa kanya (nsa paanan lng ung pusa natutulog) tapos dali dali niya raw niyakap yung pusa at hinahalik halikan. Thank you daw siya nang thank you sa pusa maya maya pa bigla niyang binatukan yung kapatid ko na katabi niya sabi niya "KANINA PA AKO HUMIHINGI NG TULONG DI MO MAN LANG AKO TINULUNGAN!!" tapos sabi lang daw nang kapatid ko "WALA KA NANG SINASABI DIYAN HIMBING NANG TULOG MO E" inis raw na balik ni Lyn kay chil' Kaya ayon napananto niya na binangungot lang pala siya .
At si Bloody Mary Ang nagpakita sa kanya. Simula non di na raw siya humaharap non sa salamin lagi niyang sinasara pag nagccr siya. Tapos di na rin uiya ginagawang biro Ang tungkol Kay bloody Mary.
Ps.gulo no? Naguluhan din ako ii 😂
Btw ung salamin kasi namin sa cr di tupi nahahati sa 3 part. Kaya pwede sya itakip o itupi pra dimo makita ang sarili mo dun. At yun ang aking hapitot hahahahahaha
-Raine
Up