Ako na lang ba ang hindi pa bakunado dito sa noise.cash community? Dito sa compound namin ako na lang ang hindi pa bakunado. Ayun na si D'one kakaalis lang para magpabakuna. Matagal din nya pinag isipan kung magpabakuna ba sya o hindi, pero kailangan sa trabaho nya kaya sya napasugod. Alam ko hindi 100% gusto na nya magpabakuna. Sabi ko nga sa kanya na huwag na lang kung sa tingin nya ay hindi pa sya handa mentally and physically. Gusto ko sana sya samahan kaya lang ang init naman kung nan doon lang ako sa sasakyan, buti sana kung sigurado makaparada kami sa isang malilim na lugar. Hindi rin naman pwede papasok ako sa area kung saan ginagawa ang pagbakuna. Pinagdasal ko na lang na sana ang pagpabakuna nya ay walang adverse effect, kung meron man ay makaya nya. May maintenance pa naman si D'one sa Hypertension nya . Lord, protect mo lang siya. Ipagkatiwala ko na lang sa Panginoon na walang worst side effect sa kanya ang bakuna. Lord, ikaw lang ang nakaka alam, gawan mo na lang ng paraan na hindi matuloy kung makakasama sa kalusugan ni D'one ang bakuna. Ikaw na bahala humadlang sa ano man paraan mo. (Ang larawan ay remix photo lang na gawa ko)
6 comments
That same prayer I said when I decided to get vaccinated. Don' worry God is with you. 🙏
ako hindi pah.. takot ako.. hehe
Tatlo na tayo dito sa noise community sis haha ... ako rin takot baka di ko kyanin ang side effect.. Naku sigurado mag panic attack ako baka yan p ang ikamatay ko hehe
haha.. iniisip ko palang.. di na ako makahinga ng maayus.. naku naku.. hwag muna.. vaka ma dead ako..
haha yan din ang mentality ko ,, lalo na ang dami ko nang kaibigan at kamag anak na may mga kakilala na na deadbol dahil lang dyan sa bakuna.
haguuuy.. ako bahala na.. ayoko talaga.. bahala na..