Bigla na lang nawalan kami ng kuryente. Akala ko brownout, yun pala kami lang ang walang kuryente. Ang hirap nito kasi gabi at walang makapunta na electrician. Bukas pa nito malalaman kung ano ang problem malamang ang fuse. Mabuti na lang at fully charged yung dalawang powerbanks at may load akong 50 pesos kaya nakapag registered ng GOSURF50. Pero alam mo, hindi ko pa naman ugali ang mag charge ng powerbank mula nag umpisa ang pandemic kasi ang katwiran ko ay nasa bahay lang naman ako palagi at gagamitin ko lang ang powerbank pag aalis. Tila may bumulong yata na anghel sa akin kahapon para echarge ko ang mga powerbanks. (hehe) Salamat guardian Angel ko! from now on palagi ko na e fully charged ang mga powerbanks at dapat palagi rin may extra regular load kasi alam naman natin hindi makaopen ng coinsph kapag walang internet. Okay lang kung umaga kasi open pa ang tindahan, eh paano kung gabi walang mabilhan ng load. Kaya noisemate, kailangan laging fully charged din ang powerbanks nyo in case of emergency. :)
5 comments
Fully charge at may kadila lagi hehehd
Speaking of.. icheck ko nga din ang sakin if may charge pa. Di ko din alam sis e. Hehe
Moral, dapat girl scout lang handa. Para sa mga ganyang sitwasyon. Ang hirap pa naman ng walang net,walang ilaw nakakaloka ang katahimikan.😁pero masarap matulog niyan,huwag lang po malamok at mainit.
Haha masarap nga matulog pag madilim lalo na katabi mo si palalab haha.. Naku di kami makatulog ang init sis
Yun lang sis.. Init at lamok kalavan.😁 pero sa tingin ko wala naman lamok diyan sa inyo.😁