Alam mo, ito na ang morning routine ko. Paggising ko sa umaga pagkatapos mag toothbrush ay itong ginger tea ang iniinum ko habang nag pre prepare ako ng almusal. Since January ay tinigil ko na ang kape, nagpapalpitate kasi ako sa kape. At mula ng nagka Acid Reflux at heartburn ako ay ito na ang iniinum ko tuwing umaga before a meal. At umiinum din ako nito bago matulog sa gabi. Hindi ko na sya pinapakuluan, slice ko lang ng manipis tapos e babad sa mainit na tubig at lagyan ng isang kutsaritang honey, minsan nauubusan ako ng honey kaya kunting sugar lang. Mas gusto ko ang ganito na ibadbad lang kasi tama lang ang anghang nya. Ang sarap ng pakiramdam pag nakakainum ako ng ginger tea, lalo na sa heartburn ko. 😊 Magandang umaga pala sa lahat! ingat lagi ha?!? 🥰🌷
5 comments
Magandang umaga Sis! May nadiscover akong brand sis ng ginger tea, yun ang gamit ko Ludy's ginger brew. Ok din with calamansi din sya. Yan na iniinom ko alternate with coffee.
Saan mabibili sis? meron kaya nyan sa super market?
Meron siguro sis. Dito ko nga lang nabili sa sari sari store ng bayaw ko. 6 pesos per sachet, mas makakamura if sa supermarket siguro bibilhin.
Maganda yan naka sachet mas matipid, try ko sa Robinsons baka meron. Thanks sis
Sige sis, bet ko sya kasi with calamansi din saka sakto na din ang tamis.